Candelaria at ProLIFE

Simeon-w-Christ-Child

  Pahayag ng ProLIFE, Family and Life Apostolate — St. John the Baptist Parish (Taytay, Rizal) sa Feb. 2 launching ng ProLIFE month 2018     PEBRERO 2 ang pagdiriwang ng Candelaria. Ito ang Presentasyon ng Sanggol na si JESUS sa Altar ng templo ng Jerusalem. Si JESUS—ang BUHAY—ay isang signos na alay para sa kaligtasan … Read moreCandelaria at ProLIFE

Maria, Birheng Dolorosa

dolores-orig

ANG TRADISYONG Katoliko ay may tatlong karaniwang paglalarawan sa nagdurusang Birheng Maria na Ina ng Diyos—ang Stabat Mater, Pieta at Mater Dolorosa. Sa Stabat Mater (nakatayong Ina), naroon si Maria sa paanan ng Krus, sa gawing kanan ng katawan ng Panginoong Jesukristo na nakabayubay sa Krus. Si Juan Ebanghelista naman ay sa gawing kaliwa. Dito’y itinatanghal ang Birheng Maria bilang mistikong sagisag … Read moreMaria, Birheng Dolorosa

Aba po, Birheng Dolorosa!

Dolorosa-paint2

  NATAGPUAN ang imahen ng Birheng Dolorosa sa isang ilog sa Taytay. Noon, sa nasabing ilog ay may malaking tipak na bato na ginagamit na tuktukan ng babaing tagapaglaba ng isang mangangalakal na Tsino-Cantones na naninirahan sa lugar na iyon. Isang araw ay may kakaibang pangyayari sa ilog-labahan.  Sa tuwing humahataw ang palu-palo ng labandera … Read moreAba po, Birheng Dolorosa!

Nasa Taytay si Kuya Pedro

calungsod

NAPAKAPALAD ng Taytay! Si SAN PEDRO CALUNGSOD ay minsang namalagi dito. Si Pedro Calungsod ang ikalawang Pilipinong naging Santo. Sumunod siya kay San Lorenzo Ruiz. Ang larawan nilang dalawa ay nakatanghal ngayon sa stained glass sa magkabilang gilid ng Main Altar ng Parokya — si Kuya Pedro sa kaliwa, si San Lorenzo naman sa kanan. Sa gawing kaliwa ng … Read moreNasa Taytay si Kuya Pedro

Salve Regina–aba po, Santa Mariang hari

Our Lady of Guadalupe

  DAHIL hindi ako nakakaintindi ng wikang Latin, ang akala ko noo’y isang awit lamang ang “Salve Regina”. Nang lumaon ay napag-alaman ko na ito pala ‘yung “Hail Holy Queen” o “Aba po Santa Mariang Hari” na dinarasal natin sa pagtatapos ng Santo Rosario. Tulad ng salitang “ginoo” sa “Aba ginoong Maria,” nagtaka rin ako noong umpisa … Read moreSalve Regina–aba po, Santa Mariang hari

Aba, ginoo ang Mariang Ina?

Aba-ginoo-Prayer

  GINOO? Ba’t nagkaganu’n ang translation sa Tagalog ng “Ave Maria” o “Hail Mary”? Una kong narinig sa programa ng DWXI radio ang ganitong tanong noong 1988. Kaso, hindi ako kumbinsido sa naging sagot ng guest speaker na isang high profile na Obispo. Natuwa ako nang kalauna’y natuklasan ko na ang kasagutan pala ay makukuha kay Padre Juan Portocarrero de Placencia, ang … Read moreAba, ginoo ang Mariang Ina?

Filipinas, lupain sa Silangan

phil-map-1679

  GOD, gold, glory. ‘Yun ang layunin ng pagsakop ng Kastila sa ating bansa ayon sa mga history books sa eskwelahan. Pero napakarami pang nasa likod ng tatlong salitang iyon ang hindi pa lubos na nabubunyag. Kaya heto, share ko sa inyo. Dahil sa habilin Sinakop ng mga Kastila ang Filipinas upang tupdin ang habilin ni Reyna Isabella I ng … Read moreFilipinas, lupain sa Silangan

Nasa Vocabulario ang Taytay

Negritos-1

    “Tulay” ang kahulugan ng “taytay” para sa mga katutubong Aeta (Negrito) na naglalagalag noon sa mga burol ngTaytay (Rizal), San Mateo, Antipolo, at sa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre at Banahaw na nakapalibot sa dakong Silangan ng Laguna de Bay. [Tulay ng Taytayeño, tete ng Pampango] Nananatiling “taytay” ang kahulugan ng “tulay” sa aklat na Vocabulariong Tagalog na pinasimulan ni Padre Juan de … Read moreNasa Vocabulario ang Taytay

Kuwentong sementeryo

church-hill

Ay naku, dating sementeryo pala ang sinaunang bayan ng Taytay, Rizal. Ang Visita de Santa Ana de Sapa, ang unang pamayanan ng Taytay na itinatag ng mga Franciscanong frayle noong 1579. Lagi itong binabaha dahil nasa gilid ng Laguna de Bay. Si Padre Chirino ay naging kura paroko noong 1591. Maraming ulit niyang ipinanukala na ilipat ang simbahan at pamayanan … Read moreKuwentong sementeryo

San Juan Bautista

Lakbay-SJB-logo

READY! Sigaw ni Juan Bautista. Isinugo ng Diyos si Juan Bautista, ang tinig sa ilang na sumisigaw ng pagbabalik-loob bilang paghahanda at pagtutuwid sa daraanan ng ating Panginoon. Si Juan ang nagpatunay tungkol sa Liwanag, ang Panginoong Tagapagligtas, upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan Niya (Juan 1:6-7). “Juan”—sa wikang Hebreo at tradisyong Kristiano—ang ibig sabihin … Read moreSan Juan Bautista

Enjoy this blog? Please spread the word :)