Simbahan at Bayang pareho’ng pinagmulan

Ang TAYTAY ay isang komunidad at Simbahang itinatag ng misyonerong Franciscano na si Padre Juan de Plasencia noong 1579. Sumibol ito sa baybayin ng Laguna de Bay. Inilipat ang pamayanang ito ng humaliling Jesuitang kura paroko na si Padre Pedro Chirino sa mas mataas na lugar noong 1591. Dito itinayo ang unang simbahang-bato at pinasinayaan […]