# Taytay ni Juan > History | Culture and Arts | Heritage | Faith ## Posts - [Padre Lupo S. Dumandan, Pastol ng Taytay 1924–1931](https://taytaynijuan.me/padre-lupo-s-dumandan-1924-1931/): Salamat po, Padre LUPO S. DUMANDAN! Bigyang-pugay natin at pag-alaala si Padre LUPO S. DUMANDAN. Siya’y isinilang noong Hulyo 29, 1877. Sumakabilang-buhay noong Agosto 31, 1949. Si Padre Dumandan ay hinubog na maging pari sa San Carlos Seminary. Inordinahan siya noong Disyembre 1905, isang paring Sekular sa ilalim ng eklesiyal na pamamahala ng Arkidiosesis ng Maynila.   Siya’y isang taal na Pasigueño, mula sa Baryo Santolan. Nagmula sa isang makabayan at maykayang pamilya sa bayan ng Pasig. Ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Don Patricio Dumandan ay naging gobernadorcillo (punong-bayan) ng Pasig noong 1890–1892, panahon ng paghaharing Kastila. Pagkatapos ay […] - [Birheng Dolorosa, Mahal Naming Ina](https://taytaynijuan.me/o-birheng-dolores-mahal-naming-ina/):   BIRHENG DOLORES, MAHAL NAMING INA ANG INANG DOLOROSA ng Pitong Hapis, Inang Nagdadalamhati, o Birheng Dolores ay mga titulong pangalang inilalapat sa Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Panginoong Jesus, kaugnay ng mga pagdurusa sa buhay. Sa eklesiyal na historya, ang kapistahan ng Pitong Hapis ni Maria ay tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre. Pinasimulan ito ng grupong Servants of Mary noong 1668. Binago ni Pope Innocent XII ang ngalan ng pistang ito bilang Mater Dolorosa o Inang Dolorosa noong 1692. Ang kapistahang ito’y inilipat sa araw ng Viernes Dolores, ang huling araw ng Viernes bago mag-Semana Santa, noong […] - [Historya at ‘marites’ sa likod ng kampana (1880)](https://taytaynijuan.me/historya-at-marites-sa-likod-ng-kampana/): Historya at ‘marites’ sa likod ng kampana (1880) Makasaysayan ang kampana ng Simbahan. Nagbibigay ito ng hudyat mula sa mataas na kinalalagyan nitong tore. Tanda ito ng pamamahala’t paggabay ng Simbahang nasa gitna ng kaniyang sambayanang nasasakupan. Ganito ang kaayusang temporal at espirituwal na kung tawagin ay bajo la campana; ang kahulugan ay “nasa lilim tayo ng kampana, kaya’t nasa layong dinig natin ang alingawngaw nito.” Sa pasimula’y tinipon ng mga misyonero ang kalat-kalat at hiwa-hiwalay na mga katutubo. Inorganisa sila bilang komunidad hanggang sa mahubog at maging pueblo o bayan. Iyon ang sistemang reduccion. Imbes na “hagilapin kung saan-saan […] - [BAUTISMO SA APOY AT TUBIG!](https://taytaynijuan.me/bautismo-sa-apoy-at-tubig/): BAUTISMO SA APOY AT TUBIG! Babautismuhan tayo ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng Espiritu Santo at apoy. Si Juan Bautista naman ay magbabautismo sa pamamagitan ng tubig (Mateo 3:11). Ay, kaipala’y tubig ang maghuhugas, apoy ang magdadalisay! APOY Ang apoy ay nagsisilbing simbolo at ekspresyon upang isiwalat ng bayan ng Diyos ang kaniyang pagdiriwang ng pananampalataya. Nawawala ang Diyos kapag ang ating mundo’y nilulukob ng kadilimang espirituwal. Kaya sa iba’t ibang panig ng mundo, karamihan sa Kanluranin (western), ay pinapanatili ng mabubuting Katoliko ang kaugalian at tradisyon ng bonfire o apoy-pagsisiga para pagliwanagin ang kapaligiran at kalangitan sa bisperas (June […] - [Alin ang nauna, simbahang-bato ng Taytay o Lumban?](https://taytaynijuan.me/alin-ang-nauna-simbahang-bato-ng-taytay-o-lumban/): Alin ang naunang simbahang-bato,Taytay ba o Lumban?   Ang LUMBAN (La Laguna) ang kauna-unahang simbahang-bato sa labas ng Maynila. Naitayo ito ng Misyong Franciscano noong 1600. PAX ET BONUM (Peace and the good; Kapayapaan at ang mabuti)! Sa TAYTAY (Rizal) ay naitindig naman ng Misyong Jesuita ang kanilang unang simbahang-bato sa labas ng Intramuros (Walled City), noong 1601-1602. AD MAJÓREM DEI GLÓRIAM (For the greater Glory of God; Para sa Kaluwalhatian ng Diyos)! Ang TAYTAY at LUMBAN ay kabilang sa mga bayan at Simbahang itinatag ni Padre JUAN DE PLASENCIA, OFM. Labindalawang taon na nanatili ang TAYTAY sa ilalim ng […] - [GomBurZa inspirasyon sa adhikang sekularisasyon, Filipinismo](https://taytaynijuan.me/gomburza-inspirasyon-sa-adhikang-sekularisasyon-filipinismo/): GomBurZa: inspirasyon sa adhikang sekularisasyon, Filipinismo        Sina Padre Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ang binansagang “GomBurZa.” Sila ang mga paring sekular na naglayon ng mga repormang panlipunan, at Filipinisasyon ng Simbahang Katolika sa ating bansa.       Biktima sila ng red-tagging at di-makatarungang isinangkot sa Cavite Mutiny—ang nabigong pag-aalsa ng mga tropang Filipino at manggagawa sa arsenal ng Cavite noong Enero 20, 1872.        Ginawang dahilan ito ng pamahalaang Kastila sa kanilang marahas na panunupil. Idinamay lamang ang GomBurZa kahit ang totoong nanligalig ay ang mga Mason. Ang gobernador-heneral noon ay si […] - [PASKO na, sinta ko!](https://taytaynijuan.me/pasko-na-sinta-ko/):   PASKO na, sinta ko!   ANG PASKO ay isang dakilang araw ng pagdiriwang. Nagtatanghal ito ng buhay, ng pagsilang ng sanggol. Pero, kakaiba ang Sanggol na ito na ipinagbubunyi natin. Siya ay Diyos! Sa kabila ng Kaniyang kaluwalhatian at kapangyarihan ay pinili pa’ng maging hamak at isilang bilang karaniwang tao lamang. Kaya, tulad nating mga taong mortal ay dinanas din Niya ang ligaya at dusa, nasubok sa “totoong buhay sa laman.” “Tinaglay ang lahat-lahat ng katangian at kahinaan ng pagiging-tao, maliban lamang sa kasalanan” (Hebreo 4:15; Gaudium et Spes, 1965). Maging ang Birheng Maria ay nalagay sa pagsubok ang […] - [ROSARIO CANTADA—VIRGEN DIVINO](https://taytaynijuan.me/4310-2/): ROSARIO CANTADA—VIRGEN DIVINO (Parte 1) Nitong nakaraang Oktubre 2 ay nakadalo ako sa isang Rosario Cantada, na nasa ikawalong araw ng pagsisiyam sa karangalan ni San Francisco de Asis na ang pista ay sa Oktubre 4. Taimtim itong pinangunahan ng Samahang Viva San Francisco. Nilahukan ito ng Samahang Semana Santa, at Cofradia dela Nuestra Señora de Anunciata (1878), ang pinakamatandang samahang relihiyoso sa Taytay na umiiral pa hanggang sa kasalukuyan.  Ipinanganak ako sa Maynila. Batang paslit pa lamang ako nang una kong marinig ang awiting Virgen Divino Sagrario. Minsan ko na ring narinig ito sa Ilocos Norte noong dekada ‘60. […] - [O, Birheng Dolorosa, aming inang sinta](https://taytaynijuan.me/birheng-dolorosa-inang-sinta/): O, Birheng Dolorosa, aming inang sinta Ang Our Lady of Dolours, o Mother of Sorrows (Latin: Mater Dolorosa), at Our Lady of the Seven Dolours ay mga pangalang inilalapat sa Birheng Maria, ang ina ng Panginoong Jesus, kaugnay ng mga pagdurusa sa buhay.  Ayon sa eklesiyal na historya, ang pagdiriwang ng kapistahan ng Pitong Hapis ni Maria (Seven Dolours of Mary) ay tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre. Pinasimulan ito ng grupong Servants of Mary noong 1668. Binago ni Pope Innocent XII ang ngalan ng pistang ito bilang Inang Dolorosa (Mater Dolorosa) noong 1692. Gayunman, ang kapistahan ay inilipat sa araw […] - [Salubong ng Taytay sa National Heroes Day, 2023](https://taytaynijuan.me/salubong-ng-taytay-sa-national-heroes-day-2023/): Salubong ng Taytaysa National Heroes Day, 2023 Two days ago, pinasinayaan na ang pagbubukas ng ₱311.9-M proyektong Rizal Provincial Hospital System (RPHS) -Taytay Annex sa kabila ng naka-pending na mga reklamo laban sa maanomalyang pagkakatayo nito sa mismong puwesto ng heritage at makasaysayang Lumang Municipio. Una munang giniba ang dating Municipio, tinanggal ang Monumento ni Rizal-Inang Bayan at Watawat ng Filipinas kahit pa may cease-and-desist order ang NHCP. Dalawang ulit tinangka ng nasa poder na dispatsahin ang lumang gusaling Municipio sa pamamagitan ng build-operate-transfer scheme (BOT) noon pang 2009 at 2012; hindi nga lamang ito naipatupad. Sa BOT scheme, magde-demolish […] - [Unang Republika at unang Presidente ng Filipinas?](https://taytaynijuan.me/unang-republika-at-unang-presidente-ng-filipinas/): Ang Unang Republika at Unang Presidente Pinagtibay ang Malolos Constitution at itinatag ang Unang Republika noong Enero 1899. Si Hen. Emilio Aguinaldo ang naging unang Presidente nito. Kinilala ang institusyon iyon at taglay pa rin nito ang opisyal na pagkilala hanggang sa kasalukuyang panahon. Gayunman, kung isasalang ang usaping ito sa kritikal na pagbusisi ng kasaysayan ay may lulutang na basehan ang paniniwalang may ibang nauna. SI BONIFACIO AT ANG KATIPUNAN (1892). Makatuwirang suriin ang kasaysayan ni Andres Bonifacio at ng Katipunan (KKK). Alalahanin natin na sa simula pa’y si Bonifacio ang namuno ng himagsikan laban sa Kastila sa kabila […] - [Hinirang na Awit, Bandilang inibig](https://taytaynijuan.me/hinirang-na-awit-bandilang-inibig/): Hinirang na Awit, Bandilang inibig Sa atas ni Hen. Emilio Aguinaldo ay nilikha ni Julian Felipe na isang maestrong musikero at sundalo ng himagsikan ang isang himno para sa okasyon ng proklamasyon ng kasarinlan ng Republika ng Filipinas. Sa saliw ng tugtuging marcha ay iwinagayway ang opisyal na Bandila ng Filipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.  Ang himno ay pinamagatang Marcha Filipina Magdalo, saka pinalitan sa Marcha Nacional Filipina. Nakilala rin ito bilang Himno Nacional Filipino.  Si Aguinaldo ang naging unang presidente ng Unang Republika. Dinekreto niya ang “Marcha Nacional Filipina” na maging Pambansang Awit/Himig (national anthem).  Inamin […] - [MAPAkinabangan (Part 1)](https://taytaynijuan.me/mapakinabangan-ang-mapa/):     MAPAkinabangan Ang Carta Hydrografica de las Islas Filipinas ng 1734 ang kauna-unahan at siyentipikong mapa ng Filipinas. Kahit titigan lamang, lalo’t kung bubusisiin pa ang mga detalye nito’y napakaraming matututunan at mapag-aalaman. Mapapakinabangan na namumutiktik ang mapa sa makasaysayan at sinaunang pangalan ng mga lugar, at dito’y nakarehistro na ang bayan ng TAYTAY bilang isang juridical entity. Ang naturang Carta ay ginawa ni Padre Pedro Murillo Velarde, isang Jesuitang naging rector ng Simbahan ng Antipolo. Siya rin ang unang propesor ng canon at civil law sa dating Colegio de Manila, na naging Colegio de San Ignacio sa Intramuros […] - [AGOSTO: Buwan ng Wika at Kasaysayan](https://taytaynijuan.me/agosto-buwan-ng-wika-at-kasaysayan/): AGOSTO: Buwan ng Wika at Kasaysayan Ang AGOSTO ay BUWAN NG WIKA. Idineklara ito ni Pres. Fidel Ramos sa pamamagitan ng Proclamation 1041 noong 1997. Pero noong 2012, idineklara ni Pres. Noynoy Aquino sa bisa ng Proclamation 339 na ito rin ay BUWAN NG KASAYSAYAN. Magkarugtong ang pinagmulang ugat at pag-unlad ng Wika at Kasaysayan. Para sa nakaraang Nat’l Historical Comm. of the Phil. (NHCP) at Nat’l Comm. for the Culture and Arts (NCCA) Chairman Dr. Rene Escalante, “Buháy ang kasaysayan dahil sa wika, at ang wika ay buháy dahil may malay tayo sa kasaysayan.” Sang-ayon ako na magyakap ang […] - [SAN JUAN BAUTISTA: PATRON NG SIMBAHANG TAYTAY](https://taytaynijuan.me/san-juan-bautista-patron-ng-simbahang-taytay/):   Naihanda ni Padre Juan de Plasencia ang daraanan ng Misyong Franciscano. Natipon niya ang komunidad ng mga katutubo at naitatag ang Taytay bilang isang pueblo o bayan na sakop ng malawak na Visita Santa Ana de Sapa sa kupkop ng Misyong Franciscano noong 1579.  Si Padre Juan de Plasencia ay naging pinuno ng Misyong Franciscano sa Filipinas. Humalili sa kaniya si Padre Pablo de Jesus. Si Padre de Jesus ang naging kura paroko hanggang lumago ang Simbahan ng Taytay sa antas ng Parokya noong 1583; at doon pormal na itinanghal si San Juan Bautista bilang patron ng Parokya. Sa ganitong perspektiba natin […] - [Si St. Francis at ang Via Crucis](https://taytaynijuan.me/si-st-francis-at-ang-via-crucis/): (Reconstructed, original published: February 29) Ang Stations of the Cross o Via Crucis o Via Dolorosa ay kabilang sa ginagawa nating debosyon tuwing panahon ng Kuwaresma dito sa Parokya ni San Juan Bautista sa Taytay. Karaniwang may pag-iistasyon ng mga indibidwal at grupo-grupo. Mayroong umiikot lamang sa patio ng simbahan ng Parokya o kaya’y sa mga Chapel. Nagkakaroon din tayo ng pag-iistasyon ng mga kani-kaniyang organisasyon, purok, at sama-samang pamparokya at pambayan. ‘Yung iba’y dumadayo pa sa malalayong lugar at probinsiya. Ang tradisyunal na pagpi-pilgrimage sa 14 na simbahan, magkakalapit man o magkakalayo, ay masidhing pinanunungkapan. Pero para sa mga […] - [](https://taytaynijuan.me/4053-2/): Ang Stations of the Cross o Via Crucis o Via Dolorosa ay kabilang sa ginagawa nating debosyon tuwing panahon ng Kuwaresma dito sa Parokya ni San Juan Bautista sa Taytay. Karaniwang may pag-iistasyon ng mga indibidwal at grupo-grupo. Mayroong umiikot lamang sa patio ng simbahan ng Parokya o kaya’y sa mga Chapel. Nagkakaroon din tayo ng pag-iistasyon ng mga kani-kaniyang organisasyon, purok, at sama-samang pamparokya at pambayan. ‘Yung iba’y dumadayo pa sa malalayong lugar at probinsiya. Ang tradisyunal na pagpi-pilgrimage sa 14 na simbahan, magkakalapit man o magkakalayo, ay masidhing pinanunungkapan. Pero para sa mga may-kakayahang pinansiyal ay kay-inam hangaring […] - [Alta–Pasyon sa Taytay](https://taytaynijuan.me/alta-pasyon-sa-taytay/): ANG PAGTATAYO NG ALTA ay karaniwang tagpo sa Taytay tuwing sasapit ang MAHAL NA ARAW. Naging tampok na bahagi na ito ng kultura, tradisyon, at pananampalatayang Katoliko sa ating bayan. Halos sa bawat kalye ay may nakatayong Alta. May mga gawang simple lamang, mayroon ding bongga na tila nagpapaligsahan sa ganda ng gayak. Ang mga disenyo at dekorasyon ay di-maikakailang bunga ng pagtutulungan ng komunidad. Para ano pa’t pamayanan tayo ng mga mananampalatayang karpintero, mananahi, artists, at iba pang talentado’t bihasang manlilikha. Pero, sa wari’y sa Taytay lang ang mayroong tinatawag na “Alta.” Sa Makati, ang tawag sa kanila ay […] - [Sto. Niño dela Pacion sa Taytay, Lazaro na muling nabuhay](https://taytaynijuan.me/nino-dela-pacion_lazarus/): KUWARESMA: SA GITNA NG PIGHATI AT DUSA, MAY PALASAP NA LUWALHATI AT PAG-ASA ANG PASSIONTIDE Ito ay ang 2 huling linggo ng KUWARESMA. Ito ay simula sa ikalimang Sunday ng KUWARESMA na tinatawag din nating LAZARUS SUNDAY, bilang patuloy na kasunod ng LAZARUS SATURDAY.         Ang ikalawang linggo ng PASSIONTIDE ay HOLY WEEK (MAHAL NA ARAW)—umpisa sa PALM SUNDAY (LINGGO NG PALASPAS)—at ito’y nagtatapos sa BLACK SABBATH o SABADO SANTO. LAZARUS SATURDAY, SUNDAY         “Anim na araw bago ang PASCUA, ang Panginoon ay pumunta sa Betania na kinaroonan ni LAZARO na namatay; ibinangon Niya siya mula […] - [Marso 1899 – Digmang pananalakay ng Kano, pagtatanggol ng Filipino](https://taytaynijuan.me/marso-1899-digmang-pananalakay-at-pagtatanggol/):   Marso 1899 – Digmang pananalakay ng Kano, pagtatanggol ng Filipino Sumiklab ang Fil-Am War noong 1899. Si Gen. Pio del Pilar, alyas “Pang-Una”, ng San Pedro Macati, Maynila ang itinalagang komander ng Ikalawang Sona ng Maynila ng Rebolusyonaryong Gobyerno ni Aguinaldo. Ang Sona ay binubuo ng Pasig at iba pang mga bayan sa dakong timog ng Maynila, at ng Distrito de Morong na kinabibilangan ng Taytay, Cainta at Antipolo. Mula Marso 14, 1899, sa pamumuno ni Gen. Loyd Wheaton ay sinimulang atakihin ng hukbong Kano ang Pasig, Pateros, Taguig, at San Pedro de Macati. Nakapuwesto ang mga gunboats ng […] - [ARTEMIO RICARTE sa gitna ng matagalang digma ng baril at puso](https://taytaynijuan.me/artemio-ricarte-sa-matagalang-digma-sa-baril-at-puso/):     Si ARTEMIO RICARTE (1866-1945) ang punong heneral ng Himagsikan laban sa Kastila at Fil-Am War. Si “Temyong” ay isang Republikanong mandirigma. Itinuturing siyang “Ama ng Philippine Army” at naging unang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).  May ipinangalan sa kaniya na isang kalsada sa boundary ng Taytay at Cainta—ang dating Manila Rail Road (MRR) o Estrella, ang makasaysayang daang-bakal papuntang Antipolo. Ang Artemio Ricarte Street na ito ang naghihiwalay sa Rizal Avenue provincial road ng Taytay at ng Andres Bonifacio Road ng Cainta.  Si Temyong ay Isinilang sa Batac, Ilocos Norte. Nag-aral siya sa […] - [Bahagi ng Historya sa Pebrero](https://taytaynijuan.me/naganap-sa-pebrero/): PEBRERO noon. May ilang saysay ang nawaglit. O marahil ay hindi napansin ang halaga. BILANG ESTADO. Itinatag ang MAYNILA. Ito ang ginawang ciudad-cabicera at luklukan ng pamahalaang Kastila noong 1571. Idineklara bilang “Marangal at Matapat na Lungsod” (“Ciudad Insigne y Siempre Leal”, o “Distinguished and Ever Loyal City”) noong 1574.          Iyon din ang opisyal na proklamasyon ng FILIPINAS. Tinawag itong LAS ISLAS FILIPINAS. BILANG SIMBAHAN. Pebrero 6, 1579—Ang FILIPINAS ay napailalim sa Diosesis ng NUEVO MEXICO. Naging nagsasariling Diosesis ang Filipinas at itinalaga si PADRE DOMINGO de SALAZAR, isang Dominikano, bilang unang Obispo.       […] - [Taytay Liberation, giyera kaHAPON](https://taytaynijuan.me/taytay-liberation-giyera-kahapon/): HABANG MASAYANG UMAAWIT ng Jingle Bells ang mga batang mag-aaral ay binobomba ng Hukbong Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Ang pag-atake ay isinagawa kahit walang anumang deklarasyon ng giyera. Sa patakarang internasyonal, ang gayon ay itinuturing na isang war crime. At naging hudyat iyon ng pagsiklab ng malupit na World War II. Damay ang Pilipinas sa giyera sa pagitan ng Hapon at Kano. Ito’y bahaging eksena lamang sa pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos” na pinagtambalan nina National Artist Nora Aunor, Christopher de Leon, at sinamahan ni Bembol Rocco, noong 1976. Ipinakita sa pelikula ang kalunus-lunos […] - [Kasaysayan at pamanang-lahi, hindi nirespeto](https://taytaynijuan.me/kasaysayan-pamanang-lahi-hindi-nirespeto/):     “Konting bato, konting semento. Ay, walang kuwenta ang monumento.” Dalawang ulit tinangka ng nasa poder na dispatsahin ang lumang gusaling Municipio sa pamamagitan ng build-operate-transfer scheme (BOT) noon pang 2009 at 2012; hindi nga lamang ito naisakatuparan sa kung anumang kadahilanan. Sa BOT scheme, magde-demolish saka magtatayo ng panibagong proyekto na kursunada ng pribadong interes. Desidido silang i-demolish ang gusaling Municipio at Monumento. Itinaon sa panahon ng pandemic. Gumawa ng Appraisal Review Report ang Municipio sa COA (June 9, 2020). Pinalilitaw na ang “estatwa ni Rizal, Babae, at Flagpole” ay mga walang presyo dahil kinategoryang “miscellaneous” lamang. Ang […] - [Taytay Development o Disaster!? (Serye-1)](https://taytaynijuan.me/taytay-development-serye-1-2/): DEVELOPMENT ANG MADALAS IPAGMALAKI. Pampa-cute ng mga politico. Aba, at may mga bumibilib naman. Eh, saan na nga ba nakarating ang sinasabing “kaunlaran” ng Taytay na isang first class municipality? Ayon sa COA Audit Report 2020 ay kabilang ang Taytay sa mayamang top-10.  Cainta ang ika-4 sa mayamang municipalidad sa buong bansa, ang assets ay nagkakahalaga ng ₱3.473 billion. Ika-5 ang TAYTAY, ang assets ay ₱3.118 billion, pero sa taong 2021 ay lumaki sa ₱3.175 billion. Ika-6 ang Binangonan na may ₱2.803 billion, at ika-9 ang Rodriguez (Montalban) na may ₱2.390 billion. Sa kabilang dako, ang Rizal ang ikatlo sa […] - [San Juan Bautista: Prekursor at Martir](https://taytaynijuan.me/san-juan-bautista-prekursor-at-martir/): San Juan Bautista:  Ang Prekursor at Martir Salaysay ni: Geofrei Angelo Cristobal Ngayong taong 2022, ang Pilipinas ay pumasok na sa Ika-501 taon ng paggunita ng Kristiyanismo.  Kaugnay nito, malugod na itinatampok ng Taytay ang iba’t ibang imahen ni San Juan Bautista bilang kaniyang mahal na Patron. Bahagi na ito ng tradisyon ng pamayanan ng Taytay na kanilang pinakaiingatan at patuloy na pinagyayaman.  Ang mga naturang imahen ay malaon nang kapisan ng ating mga ninunong Taytayeño sa kanilang marubdob na debosyon, pananampalataya, at pagdiriwang ng kapistahan. Atin silang kilalanin. Alamin ang kanilang kasaysayan. ANG PANGUNAHING IMAHEN Si San Juan Bautista […] - [DR. GEMINO HENSON ABAD, National Artist for Literature](https://taytaynijuan.me/dr-gemino-henson-abad-national-artist-for-literature/): DR. GEMINO HENSON ABAD, National Artist for Literature Si Dr. GEMINO “Jimmy” HENSON ABAD ay isang malaking karangalan para sa Taytay. Prinoklama siya ng Malacañang bilang isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan (National Artist for Literature) nito lamang Hunyo 10, 2022. Walo (8) silang napiling mapabilang sa listahan ng ating mga National Artists. Kasama sina Nora Cabaltera Villamayor na kilala sa pinilakang tabing bilang “Nora Aunor“), si Ricardo “Ricky” Lee na premyado’t batikang scriptwriter, at si Marilou Diaz-Abaya na beteranong director ng pelikula sa kategoryang Film and Broadcast Arts. Kabilang ding itinanghal sina Agnes Locsin sa larangan ng Dance, […] - [Pista sa June 24, 2022: SACRED HEART, JUAN BAUTISTA magkasabay?   ](https://taytaynijuan.me/pista-sa-2022-sacred-heart-juan-bautista-magkasabay/):     NATAPAT NA SA taong 2022, ang Kapistahan ng Sacred Heart of Jesus ay June 24, araw ng Biyernes. Nagkataong kapareho ng tradisyunal na petsa ng solemnidad ng Kapanganakan ni San Juan Bautista, ang patron ng Taytay simula pa noong 1583. Ang pagdiriwang ng Sacred Heart ay 19-araw makalipas ang Pentekostes, araw ng Biyernes. Ang solemnidad na ito’y nasa Liturgical Calendar ng Simbahang Katolika mula pa noong 1856. Kaugnay at kasunod nito, June 25, Sabado naman ang Kapistahan ng Immaculate Heart of Mary.  Ang debosyon sa Sacred Heart ay nagtatanghal sa walang maliw na pag-ibig, pagmamahal, at pagdurusa ng […] - [TAYTAY, 443-taon na ngayong 2022](https://taytaynijuan.me/taytay-443-taon-na-ngayong-2022/): Ang Taytay bilang pueblo o bayan ay itinatag noong 1579. Itinayo ang unang simbahang yari sa mahihinang materyales na nasa isang mataong lugar na malapit sa gilid ng Laguna de Bay.  Ang Taytay ay nagkaroon ng juridical entity at tukoy na teritoryo na naging saklaw ng Visita Santa Ana de Sapa ng Misyong Franciscano. Ganito ang pagkakalikha (inception) ng bayan at Simbahan ng Taytay. Si Padre Juan de Plasencia, isang Franciscano, ang founder ng unang komunidad ng Taytay. Hunyo ng taon ding iyon ng 1579 ay pansamantalang humalili sa kaniya si Padre Pedro Alfaro bilang pinuno ng Misyong Franciscano.  Makalipas ang ilang […] - [Planong Himagsikan sa Lupang Arenda](https://taytaynijuan.me/planong-himagsikan-sa-lupang-arenda/):   Planong Himagsikan sa Lupang Arenda   Mula sa Manila Bay sa Tundo, ang 25.2–kilometrong Pasig River ay naglalagos sa Napindan Channel sa Laguna de Bay. Ang Pasig River ang pumapagitan sa Brgy. Napindan ng Taguig at Lupang Arenda sa Brgy. Santa Ana ng Taytay. Sa magkabilang dulo ng Pasig River—sa Tundo at Napindan—ay parehong may parola (lighthouse) para magbigay-liwanag at giya sa mga naglalaot. Ang Parola sa Tundo ang kauna-unahan sa Filipinas na itinindig noong 1642. At ang Parola sa Napindan ay nagisnan noong 1800s.   Naging ruta ng batang si Jose Rizal  Ang batang si Rizal ay isang […] - [Isalba ang Pamana at Kulturang Taytayeño](https://taytaynijuan.me/isalba-ang-pamana-at-kulturang-taytayeno/): National Heritage Month ngayong Mayo 2022. Batay ito sa Presidential Proclamation No. 439. Ang pagdiriwang ay may layong likhain sa kamalayan ng mga Filipino ang respeto at pagmamahal sa legasiya sa kasaysayang kultural ng ating bayan. Buong dangal na itinatanghal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Ahensiya nitong National Historical Commission of the Phil. (NHCP) ang temang: “PAMANANG LOKAL: BINHI NG KULTURANG PILIPINO”.  Isinusulong ang kahalagahan ng pangangalaga at pagtataguyod ng pamanang lokal (local heritage) sa mga komunidad. Partikular para sa atin, mabisa ang ganitong sikap para mahubog ang pagkakakilanlan ng Taytayeño, at sa pangkalahatan, […] - [Pondo sa Development, Mandanas-Garcia IRA](https://taytaynijuan.me/malaking-pondo-para-sa-development/):   DEVOLUTION, MANDANAS–GARCIA RULING. Noong 2019 ay nagbigay ng final ruling ang Korte Suprema kaugnay ng petisyon nina Gov. Mandanas ng Batangas at Gov. Garcia ng Bataan para sa “makatarungan at dagdag na basehan ng pagkwenta” ng alokasyon ng pondong internal revenue allotment (IRA) para sa mga LGU.  Ang isyung ito’y may kaugnayan din sa patakarang devolution ng LGU na itinadhana ng Local Government Code of 1991 (LGC). 2022 ang itinakdang katuparan ng devolution, at ito rin ang unang taon ng implementasyon ng naturang ruling.  Kaya ngayong 2022, ang dating parteng IRA na pinamamahagi para sa mga LGU ay madaragdagan […] - [Lupang Arenda resettlement, ano na?](https://taytaynijuan.me/lupang-arenda-resettlement-ano-na/):   Napakalawak ang sakop ng Lupang Arenda. Ito ay tanimang agrikultura na umiral noon pang panahon ng Kastila. Ang Lupang Arenda ay matatagpuan sa bandang Hilaga ng baybayin ng Laguna de Bay. Pinakamalaking bahagi nito ay nasa teritoryo ng Barangay Santa Ana, Taytay. Pinaniniwalaang ang sinaunang orihinal na lawak ng Arenda ay sumasaklaw hanggang sa ilang bahagi ng Taguig, Pasig at Angono. Saysay ng Lupang Arenda. Sa lugar na iyon mismo unang natipon ang komunidad ng mga katutubo hanggang maorganisa ng Misyong Franciscano ang Taytay bilang isang pamayanan noong 1579. Mula sa lugar na madalas na binabaha ay inilikas ang […] - [TAYTAY: saysay ng Municipio at mga Meyor](https://taytaynijuan.me/taytay-saysay-ng-municipio-at-mga-meyor/):     1892 nang itatag at pamunuan ni Andres Bonifacio ang Katipunan. Pinagtibay nila noong August 24, 1896 ang 3-resolusyon na “nagdeklara ng himagsikan, magtatag ng gobyernong pambansa, at magdaos ng eleksyon ng mga opisyal na mamumuno sa bayan at hukbo” noong August 24, 1896. At iyon ang araw ng pagpunit ng kanilang mga cedula–ang unang Sigaw sa Balintawak.  Sa gitna ng diskontento at pag-aalsa, ang Kastila ay nagdeklara ng Maura Law upang ireistruktura ang gobyerno. Ito ang naging pundasyon sa pagkakatatag ng mga bayan o municipio noong 1895. Ang titulong iginawad sa punong-bayan ay gobernadorcillo o capitan municipal. Hinati-hati […] - [Taytay sa ilalim ng Republika](https://taytaynijuan.me/taytay-sa-ilalim-ng-republika/): Panahong 1890-1900s. Mataas ang moral sa paglilingkod sa pamahalaang bayan. Maituturing na dakila at karangalan ang maging lider man o opisyal ng bayan. Kung may kontrobersiya at hidwaan sa kanilang pagitan, prinsipyo at paninindigan ang dahilan. Mataas na pamantayan at kaisipan ang sukatan. At Kasaysayan ang patuloy na titimbang.  Ay! Ano nga ba ang sentimyento’t kamulatan lalo pa’t kung langhap ang usok ng himagsikan laban sa Kastila at digmaan laban sa Kano? Nagliliyab ang nasyonalismo ng bansang may adhika ng kalayaan at gobyernong nagsasarili!   Umaalingawngaw ang sigaw: Mabuhay ang Filipinas! Itinatag at pinamunuan ni Andres Bonifacio ang Katipunan (KKK) noong […] - [Municipalidad ng Taytay, Provincia ng Rizal ](https://taytaynijuan.me/municipalidad-ng-taytay-provincia-ng-rizal/): Ang komunidad ng TAYTAY ay unang naging isang bayan noong 1579. Itinatag ito ng mga misyonerong Franciscano. At siempre, wala pang probinsyang Rizal na umiiral noon.  Lumipas ang napakahabang panahon. Sa dakong huli ng pananakop ng Kastila, ang mga pueblo o bayan ng Taytay, Caintâ, Antipolo, at Bosobosó ay napabilang sa provincia ng Tundo. Kalauna’y isinanib sila sa iba pang mga bayan ng Morong, Añgono, Binañgonan, Barás, Tanáy, Pililla, at Jalajalá, na pawang bahagi naman ng provincia ng La Laguna. Sila ang bumuo ng bagong Distrito delos Montes de San Mateo noong 1853. Ang hurisdiksyong pulitikal na ito ay naging […] - [Destroying heritage, risking health](https://taytaynijuan.me/destroying-heritage-risking-health/): IT WAS PROUDLY ANNOUNCED in August 2019, that soon in Taytay will rise a 245-bed capacity hospital project which will be the biggest of its kind in Rizal Province (sic). It is named “Rizal Provincial Hospital System (RPHS-Taytay Annex).” It could have remained good news had its originally chosen location in Brgy. Muzon has not been changed and moved to the crowded town center. Through a series of local legislations—Sangguniang Bayan Resolution Nos. 15, 74, 78, 84, 220 and Ordinance No. 18—the new “designated location of the project comprised the combined sites of the Old Municipal Building-cum-Ancestral Home, San Juan […] - [Salvation is coming](https://taytaynijuan.me/salvation-is-coming/) - [Proklamasyon ng Lungsod ng Maynila, Estado ng Filipinas, at Bayan ng TAYTAY](https://taytaynijuan.me/proklamasyon-ng-lungsod-ng-maynila-estado-ng-filipinas/): Proklamasyon ng Lungsod ng Maynila, Estado ng Filipinas, at Bayan ng TAYTAY   Author: Fr. Manuel Buzeta / F. Bravo Publisher: Colegio de Valladolid and José C. de la Pena , Madrid (1851) MALIIT NA TRIBUNG komunidad pa lamang noon ang TAYTAY. Nasasakupan ito ng kaharian ng Namayan na naging Visita Santa Ana de Sapa bago naitatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila noong 24 Hunyo 1571. Araw rin iyon ng dakilang kapistahan ng Patrong SAN JUAN BAUTISTA. Ang MAYNILA ang ginawang ciudad-cabicera at luklukan ng punong-pamahalaang Kastila (la capitanía general de Filipinas). Idineklara ang Maynila bilang “Marangal at Matapat na […] - [38-taon na ang Diosesis ng Antipolo (June 25, 1983)](https://taytaynijuan.me/38-years-na-ang-diosesis-ng-antipolo-june-25-1983/):   Sa ilalim ng patronahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje (Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay), ang Simbahan ng Antipolo ay itinaas sa antas ng Katedral. Pinasinayaan ito ng kanonigong pagkakatatag bilang ganap na Diosesis ng Antipolo. Si Bishop Protacio Gungon ang unang Obispong nanungkulan hanggang noong Oktubre 18, 2001. Hinalinhan siya ni Bishop Crisostomo Yalung, at pagkatapos ay nina Bishop Gabriel Reyes, at ni Francisco Mendoza de Leon sa kasalukuyan. Itinatag ang Diosesis ng Antipolo sa araw ng kinabukasan ng Kapistahan ng Patrong San Juan ng Taytay. Sadyang itinadhana na ihanda ng Taytay […] - [TAYTAY, RIZAL : Probinsiya, Municipio, Monumento, mga kalsada, atbpa.](https://taytaynijuan.me/taytay-rizal-probinsiya-municipio-monumento-mga-kalsada-atbpa/):   Si Dr. Jose Rizal ay itinanghal nating pambansang bayani. Inspirasyon siya ng maalab na pagsinta sa Inang-Bayan—ng simulaing nasyonalismo at hangad na dunong ng lahing Filipinong may-dangal. Siya nga ang lodi, ang huwaran ng kabataan, nang una pa ma’y niyakap na niya pakundangang sila ang pag-asa ng bayan.      Matapos ang himagsikan laban sa Kastila, at sumunod ang digmaan laban sa Kano, nakamit ang kasarinlan at laya ng Inang-Bayan. Tumindig, nagpundar, at nagsikhay ang mga lider sampu na ng pamayanan upang isulong ang uri ng pamamahalang may prinsipyo’t dangal, katapatan at lunggating kaginhawahan.  RIZAL PROVINCE  Taas-noo ang Rizaleño. Kay RIZAL ipinangalan […] - [Maginhawa sa Pantry ni San Isidro](https://taytaynijuan.me/ang-pantry-ni-isidro/): Dalawang gising pa, Pista na ni San Isidro Labrador—Mayo 15. Si San Isidro ang Patron ng mga magbubukid. Kanilang mga kamay ang gumagawa para tayo’y may makain. Nakakalungkot dahil marami sa kanila ang walang gawa nitong panahon ng pandemya. Maraming kumakalam ang sikmura. Paano na mga bata? Yung seniors na di na maka-labra? Yun ding mga maysakit, Covid man o iba pang klase? Paano na kung wala ka man lang makuhang pagkain, at wala ring pambili? Gusto mong magtrabaho pero wala kang matrabaho, sarado ang iyong pinapasukan? Noong nakaraan buwan, may ordinaryong pangyayari diyan sa harap ng Alfa Mart, tapat […] - [Jesus feeds 5,000 through local Community Pantries in Taytay](https://taytaynijuan.me/jesus-feeds-5000-through-local-community-pantries-in-taytay/): https://homebasedmomma.com/jesus-feeding-5000/?fbclid=IwAR2CsBF5NtaqqZ2BGnM9pqVKIEtPAtscwqcN8JrMP-DQd0niZYQ–XYoUL0 - [TAYôTAYo sa panahon ng pandemya](https://taytaynijuan.me/tayotayo-sa-panahon-ng-pandemya/): Ang CHARITY[1]  at JUSTICE ay itinuturing na dalawang paa ng Katuruang Panlipunan (Catholic Social Teaching) ng Simbahang naglalakbay (pilgrim Church).  Tinutugunan ng CHARITY ang kagyat na pangangailangan ng mga indibidwal at pamilya. Nilulunasan nito ang mga sintomas ng panlipunang suliranin. Hinihikayat ang bukas-palad na pagtugon natin sa kapwa sa kanilang partikular na sitwasyon. Samantala, binabago naman ng JUSTICE ang mga istrukturang panlipunan na yumuyurak sa dignidad ng tao. Sinasalungat nito ang mapang-aping sistema na nagdudulot ng karukhaan sa tao. Nakatutok ito sa mga karapatan ng tao, sa mga sanhi ng suliraning panlipunan, at kumikilos para sa pangmatagalang pagbabago ng lipunan. […] - [May Taytay na, bago pa man dumating si Magellan](https://taytaynijuan.me/may-taytay-na-bago-dumating-si-magellan/): Ang bayang Guiuan—nakasasakop sa Homonhon—ay may Barangay na pinangalanang Taytay at Baras. Pero ang lugar na Taytay na unang naitala sa historya ay ang Taytay ng Palawan dahil sa chronicler ni Magellan na si Pigafetta. - [Simbahan at Bayan pareho ang pinagmulan](https://taytaynijuan.me/parehong-pinagmulan/): Simbahan at Bayan pareho ang pinagmulan Ang TAYTAY ay isang komunidad at Simbahang itinatag ng misyonerong Franciscano na si Padre Juan de Plasencia noong 1579. Sumibol ito sa baybayin ng Laguna de Bay. Inilipat ang pamayanang ito ng humaliling Jesuitang kura paroko na si Padre Pedro Chirino sa mas mataas na lugar noong 1591. Dito itinayo ang unang simbahang-bato at pinasinayaan ang bayan sa pangalang San Juan del Monte noong 1599. Gayunman, mas kinasiyahan ng mga tao ang ngalang Taytay, at nanatili ito hanggang ngayon. Sa pamayanang ito’y yumabong sa pagtutuwangan ng Simbahan at ng apat na Datu (pinunong katutubo) […] - [Bakit Taytay pa rin ang ngalan?](https://taytaynijuan.me/bakit-taytay-pa-rin-ang-ngalan/): TAYTAY PA RIN Itinatag ni Padre Juan de Plasencia ang pamayanan ng Taytay sa tabing lawa noong 1579. Sa pamumuno ng kura parokong si Padre Pablo de Jesus, itinalaga sa lilim ng patronahe ni San Juan Bautista noong 1583. Kaya nga’t ang Taytay ay naging Parokya ni San Juan Bautista. Dahil madalas na binabaha, ang pamayanang Taytayeño at Simbahan nito ay inilikas sa mas mataas na lugar noong 1591. Katuwang ang apat na pinunong Datu ng mga Barangay noon. At nang itayo ang unang simbahang-bato noong 1599, ang Taytay ay pinasinayaan bilang ‘San Juan del Monte’ (ang kahulugan ay ‘San Juan sa […] - [Anomalous Provincial Hospital project as the veil to demolish Taytay Heritage](https://taytaynijuan.me/provincial-hospital-project-as-veil-to-demolish-old-municipio/): (Part 2 — Rich in History and Heritage, deep in Political and Moral Crisis) Part 1 of this is the narrative on the historicity of the subject Taytay Old Municipio. Part 2 exposes the real thing as a vicious attack on Taytayeño’s Heritage, veiled with the avowed benefits of having the biggest “Provincial Hospital” in Taytay as it crushes to the ground our Old Municipio. Other Heritage buildings and structures will follow next if not vigorously opposed.   The Rizal Provincial Hospital System (RPHS) project is clouded with anomalies. It is not what the LGU high officials say it is; that “they […] - [TAYTAY : Rich in History and Heritage, deep in Political and Moral Crisis](https://taytaynijuan.me/taytay-rich-in-history-and-heritage-but-in-a-political-and-moral-crisis/): (Part 1 — Rich in History and Heritage, deep in Political and Moral Crisis) TAYTAY was a settlement in a swampy area near Laguna de Bay. It was established as a pueblo or town by Franciscan missionaries in 1579. Due to incessant flooding, Fray Pedro Chirino, a notable historian and the first Jesuit parish priest of Taytay, relocated the Church and the village on the hill with the cooperation of the 4 datus in 1591. Although christened “San Juan del Monte”, the townspeople continued to call the town “Taytay”; and Taytay it has remained to this day. The first stone-Church […] - [The rape of Taytay's heritage rights](https://taytaynijuan.me/the-rape-of-taytays-heritage-rights/):   WE CRY FOR JUSTICE as we condemn with the strongest possible terms the illegal and immoral destruction of our historical and cultural heritage, our basic human rights. In our case, the necessary and reglementary public consultations never did happen. The townspeople’s appeals for the due process were flatly rejected. Not even the letter-notice of National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Dr. Rene R. Escalante dated 20 November 2020 could dissuade our local government to commit offenses. Despite having no valid permit and notice to present or display in public, the demolition of heritage structures continues unabated. The […] - [Lumang Municipio ng Taytay, pamanang 120-taon na!](https://taytaynijuan.me/lumang-municipio-ng-taytay-pamanang-120-taon-na/): Lumang Municipio ng Taytay, pamanang 120-taon na! Humupa ang apoy, napawi ang usok bunsod ng himagsikan laban sa Kastila at Digmaang Filipino-Amerikano noong 1898-1900.  Magiting na winagayway ang Bandila ng Filipinas. Itinatag ang Probinsiya ng Rizal bilang isang bagong political jurisdiction noong 1901.  Nabago ang pamahalaan. Ang Rizal ay binuo ng mga bayan mula sa Probinsiya ng Maynila (Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Mandaluyong, San Juan, Navotas, Muntinlupa, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, San Mateo, at Montalban); at mula sa Distrito Politico-Militar de Morong na dating parte ng Probinsiyang La Laguna (Cainta, Angono, Baras, Binangonan, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Tanay, […] - [‘Domus Dei et Porta Caeli’](https://taytaynijuan.me/domus-dei-et-porta-caeli/): ‘Domus Dei et Porta Caeli’   ANG ARKONG bungad ng Simbahan ng St. John the Baptist Parish (Parroquia de San Juan Bautista) sa Taytay ay may bagong inskripsyon. Ang nasusulat ay nasa wikang Latin: ‘Domus Dei et Porta Caeli.’ Ang kahulugan nito’y ‘Tahanan ng Diyos at Pinto ng Langit.’   PROPETIKOANG ‘Domus Dei et Porta Caeli’ ay sadyang matutunghayan sa Biblia Vulgāta. Nakasaad dito na “…non est hic aliud nisi domus Dei et porta caeli…” (Tiyak na ito ang tahanan ng Diyos at ang pintuan ng kalangitan―Genesis 28:17) Ang Biblia Vulgāta ay ang translasyon sa wikang Latin mula sa Hebreo ni […] - [Alin ang pipiliin, lumang Municipio o bagong Ospital?](https://taytaynijuan.me/lumang-municipio-o-bagong-ospital/): May nakabastang proyektong bagong ospital sa Taytay. Pinangalanan itong “Rizal Provincial Hospital Taytay Annex”. Ito umano’y moderno at may 245-bed capacity. Proyekto ito ng ating Pamahalaang Panlalawigan na sinasang-ayunan ng Municipio natin. Totoong mainam magkaroon ng gayong pasilidad. Malaki ang ikabubuti nito sa mamamayan lalo na sa mahihirap. Ang kaso nga lamang, gigibain ang gusali ng lumang Municipio at Taytayeños Ancestral Home para doon mismo itatayo ang naturang ospital. May mga tumututol lalo na yung mga elders na may malasakit sa kultura, alaala at dangal ng bayan. Kasi naman, tahasang masasagasa ang heritage ng Taytay na pinagyaman ng historya. Nakakalungkot. […] - [Heritage recognition and preservation](https://taytaynijuan.me/heritage-recognition-and-preservation/): THE PAST GRANDEUR of the old Municipio-Plaza Libertad area with “Angel Love” and the early 20th century-old houses in the vicinity had gone. With them is a lot of historical value that has gradually dissipated from townfolks’ sight and memory. What could be the legacy of certain buildings, structures, sites, and other things deemed belonging to local historical and cultural heritage? The public seems not aware of the patronage we enjoy of the State which ought to foster the preservation of our historical and cultural heritage. Out there are significant things which have been in existence for at least fifty […] - [Simbahan namumulitika lang?](https://taytaynijuan.me/simbahan-namumulitika-lang/): May ligalig sa kapaligiran, may krisis sa ating lipunan. Sa harap nito’y hindi tayo pwedeng manahimik at magbulag-bulagan. Nagsasalita ang ating Simbahan sa kabila ng mga banta, pang-aalimura, pananakot at pamamaslang. Kung bakit ay dapat nating maunawaan. Dahil sa mga ganitong pagkakataon ay kadalasan nating nagririnig ang tugon ng nasa poder: “nakikialam ang Simbahan sa pulitika.” Pero bakit, ang mga taga-Simbahan ba’y hindi kabilang sa lipunan, hindi apektadong mamamayan, hindi taong nakakaramdam? Walang pakialam sa kapwa-tao? Ang totoo, patuloy tayong ginagabayan ng Simbahan sa pamumuhay bilang mga mamamayan. Ang hangad ng Simbahan ay ang katotohanan, ang katarungan, para sa ganap […] - [Pilgrimage, Misa kahit pandemic](https://taytaynijuan.me/pilgrimage-misa-kahit-pandemic/): NA-POSTPONE ANG PILGRIMAGE ng aking pamilya nitong nagdaang Kuwaresma’t Semana Santa dahil sa pandemya at imposisyon ng lockdown. May TV Mass nga, pero wala namang sakramental na pagdalo sa Banal na Misa. At isa pa, in effect, under house arrest kaming mga seniors. 🙂 Kasi naman, walang anu-ano’y basta na lamang umatake ang Diablo, ang kinoronahang hari ng kamatayan. May mapamuksang virus galing sa China na gawa sa laboratoryo. Pinakalat ito’t lumikha ng pandemyang sumalanta sa buong mundo. Maraming nasawi, naghikahos at nabigong pangarap. Naunsiyami ang serbisyo-publiko. Natigil ang trabaho at eskwela. Bumagsak ang ekonomiya. Nag-lockdown pati ang Simbahan. Nanganganib […] - [San Juan Bautista, patrong giliw ng sambayanan](https://taytaynijuan.me/san-juan-bautista-patrong-giliw-ng-sambayanan/): SI SAN JUAN BAUTISTA ang mabunying patrong ipinagdiriwang ngayon sa maraming lugar sa Filipinas. Kabilang ang malawak na pinagmisyunan ng Ordeng Franciscano. At ang ilan sa mga ito’y ang mga bayan ng Lian at Calatagan na sakop ng sinaunang distritong Tuley ng Balayan sa Batangas, sa bayan ng Pola sa Oriental Mindoro, sa probinsiyang Marinduque, at bayang Taytay sa Rizal. Ang Balayan ay may pistang bayan para sa kanilang patronang Inmaculada Concepcion tuwing Disyembre 8. Maliban dito, mayroon pa silang masigabong pagpipista para kay San Juan Bautista tuwing Hunyo 24. Sa okasyong ito napabantog ang “parada ng lechon” tuwing pistang-prusisyon […] - [WE OFFER OUR SUFFERING](https://taytaynijuan.me/we-offer-our-suffering/):   “Do not fear those who kill the body but are unable to kill the soul; but rather fear Him who is able to destroy both soul and body in hell.” (Matthew 10:28)   Sunday, 15 March, my wife and I attended Mass at San Isidro Chapel, Parish of St. John the Baptist in Taytay, Rizal. The exact location was just at the boundary of Brgy. San Juan of Cainta which is under quarantine/lockdown that started effective early morning that day. As expected, there went the topic of the dreaded CoViD crisis pronounced right at the start on the Preface […] - [Si St. Francis at ang Via Crucis](https://taytaynijuan.me/st-francis-at-via-crucis/):   Ang Stations of the Cross o Via Crucis o Via Dolorosa ay kabilang sa ginagawa nating debosyon tuwing panahon ng Kuwaresma dito sa Parokya ni San Juan Bautista sa Taytay. Karaniwang may pag-iistasyon ng mga indibidwal at grupo-grupo. Mayroong umiikot lamang sa patio ng simbahan ng Parokya o kaya’y sa mga Chapel. Nagkakaroon din tayo ng pag-iistasyon ng mga kani-kaniyang organisasyon, purok, at sama-samang pamparokya at pambayan. ‘Yung iba’y dumadayo pa sa malalayong lugar at probinsiya. Ang tradisyunal na pagpi-pilgrimage sa 14 na simbahan, magkakalapit man o magkakalayo, ay masidhing pinanunungkapan. Pero para sa mga may-kakayahang pinansiyal ay kay-inam hangaring makapaglakbay sa mismong Holy Land sa Jerusalem, ang dakilang lugar ng Pinangyarihan, at ang pinagmulan […] - [Taal: ang bayan at ang bulkan](https://taytaynijuan.me/taal-ang-bayan-at-ang-bulkan/):             Sa pagsabog ng bulkang Taal, sa umpisa’y may pumukaw na magkahalong takot at habag sa aking diwa. Paglipas ng ilang araw ay may tradisyong pabigkas o oral tradition na gumuhit-pabalik sa aking alaala. May kaugnayan ito sa sinaunang kaharian ng Namayan na sumasakop noon sa komunidad ng Taytay. Isinasaysay na “ang anak na babae ni Kalangitan umano ay napangasawa ni Balagtas (o Bagtas) na hari ng Balayan at Taal. Pinaniniwalan na si Balagtas ang ninuno ng mga Kapampangan. Ipinakikita rin ng ganitong kaganapan na noong sinaunang panahon pa’y mayroon nang pagkakaugnayan ang mga naghaharing […] - [God save our souls!](https://taytaynijuan.me/god-save-our-souls/): “Mother Earth” should not be worshipped. Never ever confuse it with stewardship of the earth. That’s where Satan’s hideous tricks play. An obligation to preserve the planet only makes sense with the understanding that we are a part of God’s created order. We are tasked to be its caregivers. Everything, the whole universe, and cosmos are under the dominion of our Lord Jesus Christ. There are no spirits with equal or superior power than that of our Sovereign Lord, or even like that of the one immaculately conceived by the Holy Spirit—the Virgin Mary, the Queen of Heaven and Earth. […] - [“Mabuhay ang Tæ - tæ”](https://taytaynijuan.me/mabuhay-ang-tae-tae/):   Sa ating historya, ang unang lugar na tinawag na Taytay ay matatagpuan sa Pulaoam na isang kaharian ng mga katutubo sa dakong Silangan ng Kabisayaan. Naitala ito ni Antonio Pigafetta, ang kasama ni Ferdinand Magellan na isang historyador-tagasulat, sinaunang surveyor, at cartographer o tagaguhit ng mapa. Nadiskubre nila ang kapuluan ng Filipinas noong 1521. Ang pagdating nila ang hudyat ng pagkakatatag ng Kristianismo sa ating kapuluan, halos 500 taon na ang nakararaan. Pero nasawi si Magellan sa labanan sa Mattam (Mactan). Napadpad ang mga tauhan niya sa pulong kinaroroonan ng Taytay habang sila’y tumatalilis at nagpasiya nang bumalik sa España. Sa kalaunan, […] - [Taytay at Liliw, tatak-SJB](https://taytaynijuan.me/taytay-at-liliw-tatak-sjb/): TAYTAY at LILIW, tatak-SJB MARSO 18, 2017. Ikatlong linggo sa panahon ng Kuwaresma. Nag-pilgrimage ang grupo ng mga Cursillistas nina Medel. Mga taga-parokya sila ni San Juan Bautista (SJB) sa Taytay (Rizal). Isinuot ni Medel ang t-shirt niyang may tatak-SJB. Kasi nga naman, proud siyang magliwaliw at ipakitang taga-SJB ng Taytay (Rizal) ang kanilang tropa. Ang destinasyon nila? Liliw, Laguna. Oo nga, sa SJB—St. John the Baptist Parish—ng Liliw. Nag-iisa ang simbahan sa bayan ng Liliw. Lilio ang sinaunang pangalan nito. Ang simbahan ay inialay din kay San Juan Bautista. Nagkataon lang ba na magkaparehong parokya ni SJB ang nasa Taytay (Rizal) at Liliw (Laguna)? Ang layo kaya ng […] - ["Lupang Hinirang, Marcha Nacional"](https://taytaynijuan.me/lupang-hinirang-marcha-nacional/):   “Lupang Hinirang, Marcha Nacional” (Filipinas, Part 2)     ABALA ANG MGA REBOLUSYONARYONG Filipino sa paghahanda para sa Proklamasyon ng Kasarinlan noong 1898. Inatasan ni Gen. Emilio Aguinaldo ang maestro at musikerong sundalo na si Julian Felipe na mag-compose ng himno—isang Marcha—para sa pinakaaasam na okasyong ito. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang nilikhang “Marcha” ay mabunying tinugtog ng Banda San Francisco de Malabon sa araw ng Proklamasyon noong Hunyo 12, 1898. Sa saliw ng tugtog ng “Marcha” ay iwinagayway ang unang opisyal na Bandila ng Filipinas. Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay isang himnong walang liriko. Ito’y pinamagatang “Marcha […] - [Bayan Ko, Makita Kitang Sakdal Laya](https://taytaynijuan.me/bayan-ko/): (FILIPINAS: Unang Bahagi)   “BAYAN KO,” awit ng patuloy na Kasaysayan… Mapupunang ang salitang “anglosajón” (anglo-saxon) na ginamit sa orihinal na tula ay hindi nakaturo sa Kastila. Hindi rin pangkalahatan sa lahat ng “dayuhan”. Ito’y tahasang tumutukoy partikular lamang sa dayong “Amerikano-Briton“, ang noo’y bagong sumisibol na kapangyarihang imperyalista sa mundo.   ANG ”BAYAN KO” ay isang awiting romantiko’t patriotiko. Magiting. Mapanghimagsik.  Parang liyab na lumaganap ang popularidad nito sa hanay ng mga idealistang estudyante’t kabataang aktibista noong dekada ’70. Maraming nag-akala na ang awit na ito’y nag-umpisang sumibol lamang sa kilusan laban sa batas-militar. Umalingawngaw ang himig mula sa […] - [Santa Ana, unang barangay at simbahan sa Taytay](https://taytaynijuan.me/santa-ana-unang-barangay-sa-taytay/): ANG PUEBLO O BAYAN NG TAYTAY ay pormal na naitatag noong 1579. Si Padre Juan de Plasencia ang founder. Natagpuan ang bagong tatag na pamayanang ito ng mga katutubo sa mataong lugar na malapit sa gilid ng Laguna de Bay. Matubig at madalas itong lubog sa baha lalo na sa tag-ulan. Sa kalikasang ganito nagmula ang maalamat na isdang Banak; kaya mayroong Santa Ana Banak festival sa ating kapanahunan. Masipag at matiyaga ang Barangay sa pagtuturo sa mga batang elementarya hinggil sa “Isdang Banak at Lola Santa Ana” Ang unang komunidad na natipon noon ay tinawag na “Mabolo”, isa sa mga […] - [Ang Relacion de las Costumbres, at Barangay](https://taytaynijuan.me/relacion-de-las-costumbres-at-barangay/):   SI PADRE JUAN DE PLASENCIA ang awtor ng Relacion de las costumbres delos tagalos. Ito ay inakda niya sa Nagcarlan, Laguna noong Oktubre 1589.[1] Ang Relacion de las costumbres ay naging batas noong panahon ng pananakop ng Kastila. Sa pamamagitan ng batas na ito’y pinangalagaan ang mga pamanang kostumbreng katutubo—kaugalian, tradisyon, at paniniwala ng mga katutubong Filipino. Ito ang ginamit ng pamahalaang-sibil ng Kastila bilang batayan ng mga alcalde-mayores (gobernador) sa kanilang sistemang pangkatarungan. Ang Relacion de las costumbres ay sumasaklaw sa pamamahalang panlipunan, pangkatarungan, para sa kalayaan ng mga alipin (slavery), usapin ng mga ari-arian at mana, at […] - [BALAYAN: Lechon, basaan, at 'bangkarera' sa fiesta ni Juan](https://taytaynijuan.me/balayan-lechon-basaan-bangkarera-fiesta-ni-juan/): DATING BALAYAN ANG sinaunang pangalan ng malawak na probinsiya ng Batangas. Kalaunan, ang Balayan ay naging isang bayan na sumasakop sa Tuy, Lian, Nasugbu, Calaca, at Calatagan. Ang may-kalakihang bayan ng Balayan ang naging cabisera ng probinsiya. Ang ganitong hurisdiksiyon ay tumagal nang may 150-taon. Si Miguel de Loarca ay nagsagawa ng census noong 1582 sa malawak na teritoryo na siyang naging probinsiya ng Batangas. Dito unang nabanggit niya ang mga pamayanan ng “Tuley o Tulay na sumasakop sa kahabaan ng baybay-dagat na nagmumula sa kilala natin ngayon na Calatagan at kanugnog nitong Balayan hanggang sa Nasugbu“. [Ang mga sinaunang […] - [Pilgrimage at landas ng historya](https://taytaynijuan.me/pilgrimage-historya/): Pilgrimage at landas ng historya KUWARESMA. PILGRIMAGE. DAANG-KRUS. Makasaysayan ang paglalakbay namin ng aking pamilya ang probinsiya ng Laguna noong Marso 27, 2018. Pinili namin ang ilan sa mga Simbahang itinatag ni Padre Juan de Plasencia, ang founder ng Simbahan at bayang Taytay. Kabilang din sa binisita namin ang ilang kalapit na Simbahang pinagmisyunan ng mga kasamahan niyang Franciscano. Lakbay, panata, at pag-alaala kay Padre Juan de Plasencia, ang dakilang tagapagtatag ng mga Kristianong pamayanan. Mula sa aming tahanan sa Taytay, tinunton namin—ayon sa pagkakasunud-sunod—ang mga bayan ng Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Loñgos-Kalayaan, Lumban, Pagsanjan, Magdalena, Majayjay, Liliw, at Nagcarlan. Ginamit namin ang mga Estasyon ng tradisyunal na Via Dolorosa […] - [Filipinas ang pangalan, di pwedeng 'Maharlika'](https://taytaynijuan.me/filipinas-ang-pangalan/): Filipinas gustong palitan ng "Maharlika"ni Duterte. Marcos, bayani raw. Filipinas pag-aari raw ng royal family Tallano. Gold bars ni Marcos galing din sa Tallano. - [Francisco de Santa Maria: Batang Padre sa Taytay](https://taytaynijuan.me/francisco-de-santa-maria-batang-padre/):     PADRE FRANCISCO de Santa Maria. Siya ay isa sa 6 na mga misyonerong Franciscano na nagministeryo sa Taytay mula noong 1579 hanggang 1591. Ang iba pa’y sina Padre Juan de Plasencia (ang founder ng Simbahan at bayang Taytay), Diego de Oropesa (katambal ni P. Plasencia), Pedro Alfaro, Juan de Gorrovillas at Pablo de Jesus. Si Padre de Santa Maria ang pinakabata sa kanilang grupo. Kasamahan din nila si San Padre Pedro Bautista, na naging martir at founder ng Simbahang Quiapo na ngayo’y isa ring Parokya ni San Juan Bautista. Dito ngayon nakatindig ang Basilika Menor ng Itim na […] - [Payag ka bang 5 Barangay lang ang Taytay?](https://taytaynijuan.me/payag-ka-bang-5-barangay-lang-ang-taytay/): Payag ka bang 5 Barangay lang ang Taytay? Layon ng Local Government Code of 1991 Ang Barangay bilang batayang yunit pampulitika ay ang pangunahing tagabalangkas at tagapagpatupad ng mga patakaran, plano, programa, proyekto, at mga gawain ng gobyerno sa komunidad. Ang pamamahalang Barangay rin ang daluyan ng serbisyong pamayanan, salabayan ng kolektibong pananaw ng mga mamamayan, at dito inaayos ang mga alitan at hidwaang pangkomunidad. Alinsunod dito, ang Barangay ay binubuo ng isang kulumpong teritoryo na di-kukulangin sa 2,000 ang populasyon; maliban ito sa mga siyudad at municipalidad ng Metro Manila at iba pang urbanisadong lugar na dapat ay may […] - [San Isidro, aming Santo at Barangay](https://taytaynijuan.me/san-isidro-aming-santo-at-barangay/): (First posted 28 April 2017) San Isidro Labrador sa Chapel ng Taytay NOONG 1998, may isang lumang Regal sewing machine na de-padyak ang nakatambak lang sa isang sulok ng aming bahay. Ipinakumpuni ito ng misis ko sa tatay ng isang batang mag-aaral sa Rural Improvement Clubs Children’s Center (RIC-CC-Brgy. San Isidro) na nasa gawing likuran ng aming bahay sa tabi ng Sapang Maningning. Ako ang nag-asikaso habang ginagawa ang makina. Tinuwangan ko ang mekaniko para ipuwesto sa lugar ng pagkukumpunihan. Bago magtrabaho, sumalampak muna siya sa malamig na sementadong sahig kaharap ang makina. Katabi ang kaniyangbitbit na tools bag. Yumukod siya. Hindi ko […] - [Heto na'ng aklat ni Juan!](https://taytaynijuan.me/heto-nang-aklat-ni-juan/): Heto na ang aklat ng “Tatay ng Taytay ni Juan.” Ito ay rekognisyon kay Padre Juan Portocarrero de Plasencia bilang “Tatay“ o tagapagtatag ng bayan at Simbahan ng Taytay. Si Padre de Plasencia ay isang pinagpipitaganang misyonero ng Ordeng Franciscano (OFM). Banal na tagapagturo ng Pananampalataya. Bihasang manunulat at guro sa lengguwaheng Tagalog sa kaniyang kapanahunan. May matibay na paninindigan sa panig ng naaaping katutubo. Masikhay na tagapagtatag ng mga komunidad at pamayanang Kristiano. Ito ay historya rin ng bayan at Simbahan ng Taytay. Ang Patrong San Juan Bautista, na siyang tagapanguna sa daraanan ng Panginoon, ang siyang inspirasyon at alaala […] - [Liturhiya, Anunciacion at Cofradia sa Taytay](https://taytaynijuan.me/liturhiya-anunciacion-at-cofradia-sa-taytay/): Anunciacion sa Liturhiya—Totoong Marso 25 ang kapistahan ng Anunciacion. Pero magiging Abril 9 ang selebrasyon nito ngayong 2018. Bakit nagkaganu’n? Ang Anunciacion ay palagi at dati nang ipinagdiriwang tuwing Marso 25, eksaktong siyam na buwan bago ipanganak ang Panginoong JesuCristo sa araw ng Pasko. At ito ang nasa ating kalendaryong pang-Liturhiya. Ayon sa paggabay ng Santa Iglesia Katolika, ang selebrasyon ng Anunciacion ay inililipat sa ibang petsa kung ito’y matatapat sa araw ng Linggo sa panahon ng Kuwaresma, sa mga araw ng Semana Santa, o sa loob ng walong araw ng Pagkabuhay o Easter Octave. Ang ikawalong araw o unang Linggo mula sa Linggo ng Pagkabuhay (Easter […] - [Candelaria at ProLIFE](https://taytaynijuan.me/candelaria-at-prolife/): Pahayag ng ProLIFE, Family and Life Apostolate — St. John the Baptist Parish (Taytay, Rizal) sa Feb. 2 launching ng ProLIFE month 2018 PEBRERO 2 ang pagdiriwang ng Candelaria. Ito ang Presentasyon ng Sanggol na si JESUS sa Altar ng templo ng Jerusalem. Si JESUS—ang BUHAY—ay isang signos na alay para sa kaligtasan ng sanlibutan. Niloob ng Diyos na ang katubusan ay hatid ng Sanggol na dumaan sa pamamagitan ng PAMILYA. Itinaas si JESUS—ang LIWANAG—upang maging ilaw at tanda ng kaligtasan o pagkapahamak ng napakarami (Luke 2:34). At nasa malayang pasiya ng bawa’t isa kung “alin ang pipiliin: ang mabuti o […] - [Maria, Birheng Dolorosa](https://taytaynijuan.me/maria-birheng-dolorosa-taytay-rizal/): ANG TRADISYONG Katoliko ay may tatlong karaniwang paglalarawan sa nagdurusang Birheng Maria na Ina ng Diyos—ang Stabat Mater, Pieta at Mater Dolorosa. Sa STABAT MATER (nakatayong Ina), naroon si Maria sa paanan ng Krus, sa gawing kanan ng katawan ng Panginoong Jesukristo na nakabayubay sa Krus. Si Juan Ebanghelista naman ay sa gawing kaliwa. Dito’y itinatanghal ang Birheng Maria bilang mistikong sagisag ng Pananampalataya natin sa Nakapakong Tagapagligtas, isang dakilang paghahayag kay Maria bilang Ina ng Kristong Tagapagligtas at kumakatawan din bilang Inang Simbahan. Ang PIETA (luksa o lumbay) ay nagsalalarawan ng tagpo na ibinababa ang pinaslang na katawan ni Jesus mula sa Krus, o kaya’y nasa kandungan […] - [Aba po, Birheng Dolorosa!](https://taytaynijuan.me/aba-po-birheng-dolorosa-taytay-rizal/):   NATAGPUAN ang imahen ng Birheng Dolorosa sa isang ilog sa Taytay. Noon, sa nasabing ilog ay may malaking tipak na bato na ginagamit na tuktukan ng babaing tagapaglaba ng isang mangangalakal na Tsino-Cantones na naninirahan sa lugar na iyon. Isang araw ay may kakaibang pangyayari sa ilog-labahan.    Sa tuwing humahataw ang palu-palo ng labandera ay may dumaraing ng “aruy…aruuuy!” Bunsod ng kababalaghan ay nagsidalo ang ilang kalalakihan. Inangat nila ang tila pawikang likod ng malaking bato at iniahon sa tubig.   Ang tumambad sa kanila ay isang imahen ng Birheng Dolorosa na kasinlaki ng tao. Natuklasang may paukit na […] - [Nasa Taytay si Kuya Pedro](https://taytaynijuan.me/san-pedro-calungsod-taytay-rizal/): Nasa Taytay si Kuya Pedro NAPAKAPALAD ng Taytay! Si SAN PEDRO CALUNGSOD ay minsang namalagi dito. Si Pedro Calungsod ang ikalawang Pilipinong naging Santo. Sumunod siya kay San Lorenzo Ruiz. Ang larawan nilang dalawa ay nakatanghal ngayon sa stained glass sa magkabilang gilid ng Main Altar ng Parokya — si Kuya Pedro sa kaliwa, si San Lorenzo naman sa kanan. Sa gawing kaliwa ng main Altar ng Parokya sa Taytay . Mayroong life-size na rebulto si Kuya Pedro gaya ng nasa Maynila at Cebu. Liban dito, sa gawing kanan ng pasilyo ng simbahan ay may dalanginan din sa harap ng isa pang lifesize na rebulto nina Kuya Pedro at […] - [Salve Regina--aba po, Santa Mariang hari](https://taytaynijuan.me/salve-regina-aba-po-santa-mariang-hari-taytay-rizal/):   DAHIL hindi ako nakakaintindi ng wikang Latin, ang akala ko noo’y isang awit lamang ang “Salve Regina”. Nang lumaon ay napag-alaman ko na ito pala ‘yung “Hail Holy Queen” o “Aba po Santa Mariang Hari” na dinarasal natin sa pagtatapos ng Santo Rosario. Tulad ng salitang “ginoo” sa “Aba ginoong Maria,” nagtaka rin ako noong umpisa kung bakit nga ba “hari” ang ginamit na salita sa “Aba po Santa Mariang hari”. Eh, ang akala ko’y ang “hari” at “ginoo” ay katawagang eksklusibo lamang para sa lalaki. At ang sagot naman pala ay parehong nasa Doctrina Christiana, ang unang aklat na inilimbag sa Filipinas […] - [Aba, ginoo si Mariang Ina?](https://taytaynijuan.me/ginoo-ang-mariang-ina-taytay-rizal/): Aba, ginoo si Mariang Ina?   GINOO? Ba’t nagkaganu’n ang translation sa Tagalog ng “Ave Maria” o “Hail Mary”? Una kong narinig sa programa ng DWXI radio ang ganitong tanong noong 1988. Kaso, hindi ako kumbinsido sa naging sagot ng guest speaker na isang high profile na Obispo. Natuwa ako nang kalauna’y natuklasan ko na ang kasagutan pala ay makukuha kay Padre Juan Portocarrero de Placencia, ang Franciscanong founder ng bayang Taytay noong 1579, at kay Padre Pedro Chirino, ang unang Jesuitang naging kura paroko ng Taytay (Parokya ni San Juan Bautista) noong 1591. Ang Doctrina Christiana ay isinulat ni Padre Plasencia. Ito ang kauna-unahang aklat na inimprenta sa Filipinas noong 1593. Mas nauna pa […] - [Filipinas, lupain sa Silangan](https://taytaynijuan.me/filipinas-lupain-sa-silangan-taytay-rizal/): GOD, gold, glory.‘Yun ang layunin ng pagsakop ng Kastila sa ating bansa ayon sa mga history books sa eskwelahan. Pero napakarami pang nasa likod ng tatlong salitang iyon ang hindi pa lubos na nabubunyag. Kaya heto, share ko sa inyo. Dahil sa habilin Sinakop ng mga Kastila ang Filipinas upang tupdin ang habilin ni Reyna Isabella I ng España, isang debotong Katoliko, bago siya yumao. Ipagkakaloob niya ang lahat ng kaniyang kayamanan para maging Kristiano ang Indies [Timog-Silangang Asya–Filipinas, Marianas, Carolines, Palao and Guam, parte ng Formosa (Taiwan), Sulawesi (Celebes) at Moluccas]. Ngunit taliwas dito ang paniniwala at pangarap ng apo niyang si Carlos I […] - [Nasa Vocabulario ang Taytay](https://taytaynijuan.me/nasa-vocabulario-ang-taytay/): First posted Aug. 19, 2017 as Taytay konek ka ba? (part 2): Current post edited   ANG “TAYTAY” ay “tulay” ang kahulugan para sa mga katutubong Aeta (Negrito) na naglalagalag noon sa mga burol ng  Taytay (Rizal), San Mateo, Antipolo, at sa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre at Banahaw na nakapalibot sa dakong Silangan ng Laguna de Bay. (Kaugnay: Tulay ng Taytayeño, tete ng Pampango)   Nananatiling “tulay” ang kahulugan ng “taytay” nang maitala sa aklat na Vocabulariong Tagalog na pinasimulan ni Padre Juan de Plasencia, ang founder ng bayan at Simbahan ng Taytay. Ang “taytay-tulay” ay matutunghayan sa pahina 334 at 572 ng edisyon ng Vocabulario de la lengua tagala nina Padre Juan de Nocedo at […] - [Kuwentong sementeryo](https://taytaynijuan.me/kuwentong-sementeryo-taytay-rizal/): Ay naku, dating sementeryo pala ang sinaunang bayan ng Taytay, Rizal. Ang Visita de Santa Ana de Sapa, ang unang pamayanan ng Taytay na itinatag ng mga Franciscanong frayle noong 1579. Lagi itong binabaha dahil nasa gilid ng Laguna de Bay. Si Padre Chirino ay naging kura paroko noong 1591. Maraming ulit niyang ipinanukala na ilipat ang simbahan at pamayanan sa mas mataas na lugar. Urong-sulong ang mga tao dahil ang sementeryo ay nasa naturang lugar. Malibang magtayo ng simbahan at bahay-tirahan ng pari sa mas mataas na lugar, nagbadyang lilisan at lilipat si Padre Chirino sa Antipolo na kung saan ay makapagmimisa siya nang […] - [San Juan Bautista](https://taytaynijuan.me/san-juan-bautista-taytay-rizal/): READY! Sigaw ni Juan Bautista. Isinugo ng Diyos si Juan Bautista, ang tinig sa ilang na sumisigaw ng pagbabalik-loob bilang paghahanda at pagtutuwid sa daraanan ng ating Panginoon. Si Juan ang nagpatunay tungkol sa Liwanag, ang Panginoong Tagapagligtas, upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan Niya (Juan 1:6-7). “Juan”—sa wikang Hebreo at tradisyong Kristiano—ang ibig sabihin ng ngalang ito’y “pinagpala ng Diyos.” Sadyang pinagpala ng Diyos ang Taytay (Rizal). Ibinigay Niya sa atin ang isang Juan de Plasencia na nagpundar at naghanda ng ating pamayanan at Simbahan ng Diyos. Ipinagkaloob din Niya sa atin ang isang maluwalhating Juan Bautista bilang ating natatanging Santong Patron. Si […] - [Under the peel of the bell](https://taytaynijuan.me/under-the-peel-of-the-bell/):   Bell at the time of Fr. Lupo Dumandan, August 1926 — Damaged during World War II WHEN THE SPANIARDS came to the country, they found the natives living in either lineal or nucleated communities scattered along water routes and river banks, as well as in mountain ridges. In Taytay, the disparate settlements were mainly along lakeshore and waterways leading to the Laguna de Bay. According to Fray Pedro Chirino, Taytay parish priest (1591-1592) in his Relacion de las Islas Filipinas, “…all the region around the lagoon is full of rivers, villages and grooves. The lagoon is of fresh water, has many […] - [Taytay founded through reduccion](https://taytaynijuan.me/taytay-rizal-founded-through-reduccion/): The reduccion or township IT IS important to become acquainted and familiar with the system reduccion a pueblo  employed by the Spaniards in forming the early towns—among which was Taytay (Rizal)—as key to understanding the early stage of historical events and developments. (Ang Karahasan sa Historia ng Filipinas) Franciscan Order seal However, this is not to say that only via reduccion were towns established by the Spaniards, in the period from Magellan in 1521 until Legazpi in 1565 onward with the Augustinian missionaries in 1579. But in the particular case of Taytay, reduccion by the Franciscans had it accomplished in 1579. Fray Juan de Plasencia, the “Father […] - [Naglakbay ang Birhen ng Antipolo](https://taytaynijuan.me/naglakbay-ang-birhen-ng-antipolo/):   Prusisyong nagdala sa imahen mula sa dalampasigan ng Manila Bay patungong Katedral, 1662. NILILOK ang imahen ng Birhen ng Antipolo sa Acapulco, Mexico at naglakbay sa Filipinas na dala ni Gobernador-Heneral Juan Niño de Tabora noong 1626. Itinalaga itong patrona ng kanilang mga misyon. Pagdaong sa Maynila ay iprinusisyon patungong simbahan ng Jesuita sa Intramuros. Ang Birhen ang tanggulan ng Cavite laban sa puwersang dagat ng Dutch, 1647. Mula noo’y nagparoo’t parito na sa Acapulco at Maynila ang Birhen lulan ng barkong galleon na nagbunga ng masaganang kalakalan sa dakong Silangan. Siya ang ginawang patrona ng galleon kaya’t sa Kaniya ipinabahala ng mga manlalayag […] - [Taytay, tayo na sa Antipolo!](https://taytaynijuan.me/tayo-na-sa-antipolo/): PAG-AALAY ng mga bulaklak para sa Mahal na Ina tuwing buwan ng Mayo. Alay-lakad tuwing gabing Visita Iglesia kapag Huwebes Santo. Way of Mary (20-Rosary Mysteries) tuwing Oktubre mula sa EDSA Shrine hanggang Antipolo Cathedral. Taun-taon ay kabilang ang mga Taytayeño sa libu-libo’t laksang mga debotong naglalakbay paakyat sa Antipolo, ang dambana ng Mahal na Inang Maria, ang Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje. (Kaugnay: Jose Rizal, deboto ni Maria) Ang titulong Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje  ay iginawad sa Birhen ng Antipolo sa pamamagitan ng isang dekreto ni Gobernador Heneral Sabiano Manrique noong Sept 8, 1653. Nang iproklama ang “Dogma ng Inmaculada Concepcion” […] - [Miguel de Talavera: misyonerong Totoy sa Taytay](https://taytaynijuan.me/misyonero-si-totoy-taytay-rizal/): SIYA AY BININYAGAN sa pangalang “Salvador”; ang kahulugan niyon ay “tagapagligtas.” Isang paslit pa lamang nang siya at ang kaniyang mga magulang ay dumating sa Filipinas na kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Nagmula siya sa Nueva Granada sa North America (nasasakupan noon ng España, ngayon ay Colombia, Ecuador, Panama, at Venezuela). Ay, Dios mio, pasaway talaga! De-primerang makalokohan si Totoy. Nilolooban niya ang bahay ng mga nakikilala niyang katutubo at saka tinatangay ang kanilang anito at kinakaladkad pa sa mga kalsada. Nangangamba tuloy ang kaniyang mga magulang na baka siya’y mapahamak dahil sa galit ng mga […] - [Santo Cristo, Amba at Cofradia](https://taytaynijuan.me/santo-cristo-amba-at-cofradia-taytay-rizal/):       “Inihanda ni Juan Bautista ang daraanan ngSanto Cristo, ang Korderong alay sa Krus ng Kaligtasan” (photo: Amyflor Cruz Calvento) Ang ‘AMBA’ sa Huling Pitong Wika:“Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”  ANG BAYAN at Simbahan ng Taytay ay itinatag noong 1579, at naging Parokya ni San Juan Bautista noong 1583. Inilipat ang simbahan at pamayanan sa mataas na burol noong 1591, at pinasinayaan ito bilang “San Juan del Monte.” Pero nanatiling “Taytay” ang pangalang tawag sa bayang ito magpahanggang ngayon.(Taytay founded) May isa pang San Juan del Monte na naging baryo naman ng Santa Ana de Sapa (Maynila-Tundo) noong 1590 na kilala na […] - [Jose Rizal, deboto ni Maria](https://taytaynijuan.me/jose-rizal-deboto-ni-maria/):    He aqui la Virgen Maria: Sientes la dulce armonia Que se oye entre cantos mil? O si amigo! La percibo, La miro tambien venir… Oh, que secreta alegria Yo siento dentro de mi! Unamos a nuestros acentos En este dia feliz, Saludemos a la Virgen.           –Jose P. Rizal                      *********** Here comes the Virgin Mary… Oh, don’t you feel the sweet concord That rises from the throng As they lift their voices sing? Ah, yes, my friend! Indeed I feel it. Now I am seeing […] - [Ang tradisyon ng hamaka](https://taytaynijuan.me/hamaka-taytay-rizal/):   ANG MAG-INANG JOSE RIZAL at Doña Teodora Alonso ay kapwa deboto ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje, ang Mahal na Birhen ng Antipolo. Namintuho si Doña Teodora sapul pa noong nasa sinapupunan niya si Jose. Nalampasan niya ang labis na hirap sa panganganak, bagama’t isinilang si Jose na mahina ang katawan. Noong Hunyo 6, 1868 ay kabilang ang mag-ina sa mga debotong manlalakbay upang magpasalamat at tumupad sa pangakong dadalaw sa Mahal na Birhen ng Antipolo. Nagmula sila sa Calamba, Laguna saka tumawid sa Ilog Pasig, at dumadaan sa Cainta at Taytay (Rizal). Naglakbay ang mag-ina na bitbit sa hamaka […] - [Anunciata at Cofradia sa historya](https://taytaynijuan.me/anunciata-at-cofradia-taytay-rizal/): Anunciata at Cofradia sa Historya   Nasa dalawang buwan pa lamang ng pagsasanay sa Balayan (Batangas) si Padre Pedro Chirino, isang historian, noong 1591 nang hugutin siya para idestino sa Taytay at pamahalaan ito bilang unang mission station ng Ordeng Jesuita sa gawing-Silangan ng Laguna de Bay. Isinalin sa mga Jesuita ang Parokya ng San Juan Bautista mula sa nagtatag at naunang namahalang mga paring Franciscano. Noong Marso 25 ng taon ding iyon, kapistahan ng Anunciata, ipinagdiwang ni Padre Chirino sa baryo Santa Ana, malapit sa lawa, ang kaniyang unang Misa bilang misyonero. Pinaniniwalaang ang lugar na ito’y nasa kinikilala natin ngayong malawak […] - [Ang silbi ng mapa, 1521 hanggang ngayon](https://taytaynijuan.me/ang-silbi-ng-mapa-taytay-rizal/): MAY ginto sa mapa. Nagtrabaho ako bilang draftsman sa isang gold mining exploration noong 1980. Alam kong mahalagang isamapa ang mga eksaktong lokasyon ng pagmiminahan. Maselan. Hindi pwedeng sablay ang mga detalye. Pero suwerte, marami kaming references. Kadalasa’y kinokopya o nire-repro na lang ang mga mapa at dinaragdagan ng mga marka na ukol lamang sa industriya ng pagmimina. Sa kabilang dako, may naging kaibigan ako—si Manong John Perez. May 15-taon ang tanda niya sa akin, tubong Pangasinan, dating nasa US Army. Napabilang siya sa survey team na nag-remapping ng South Vietnam noong 60’s. Ikinuwento niya sa akin ang pinagdaanang hirap sa Vietnam. Eh, galugarin ba naman nila nang palakad ang mga […] - [Taytay legends and history](https://taytaynijuan.me/taytay-rizal-legends-history/): (First Posted 13 July 2014; Current post edited) Taytay legends and history IN MANY places in the country, there usually appears a folktale, a legend so to speak, explaining the origin of the town and how it got its name. It is passed down from one generation to another manifesting the characteristics of the time and place from which it is told.  At times, legends may have elements of truth facts, and history. They convey deep symbolic meaning as well as express the spiritual beliefs and culture from which they originate. Taytay town has not only one but at least three noteworthy […] - [Taytay: Simbahan sa 'Silangan'](https://taytaynijuan.me/simbahan-sa-silangan-taytay-rizal/): Taytay: Simbahan sa ‘Silangan’        PANSININ n’yo ang karilagan at ganda ng Altar ng Simbahan ng Parokya ni San Juan Bautista sa Taytay. Wow na wow, ‘di ba?        Lingid sa kamalayan ng karamihan ay may natatangi pa itong karingalan na mauugat mismo sa kasaysayan ng pagkakatatag ng ating Simbahan. May kinalaman ang oryentasyon ng istruktura at ng lokasyong kinatitindigan nito sa ating pananampalataya at pagsamba.        Sinaunang kostumbreng Katoliko na kapag nagtatayo ng simbahan ay nasa mataas na lugar, at karaniwa’y nakaharap sa daluyang-tubig o karagatan.        Itinayo ng mga misyonerong […] - [Teritoryo ng Filipinas ](https://taytaynijuan.me/teritoryo-ng-filipinas/):   FILIPINAS – ito ang ating bansa. Alam ba natin kung hanggang saan ang sakop at saklaw nito? Susugin natin ang mga mapa upang mapagbatayan. Alamin din natin ang ating historya dahil malapit ang ugnayan nila sa isa’t isa. May malaking pagbabago sa kasaysayan noong taong-1500 hanggang 1750. Ang Kristianismo na unang relihiyon na lumaganap sa buong mundo ay mahigpit na sinalungat ng kilusang Protestante o “Reformismo” noong 1520. Mula sa Europa, ang mga misyonerong Religious Orders gaya ng Agustino, Franciscano, Dominicano, at Recoletos, ay buong giting na humayo sa iba’t ibang panig ng mundo. Taglay nila ang katapatan sa Simbahan at dedikasyon […] - [Catechism and native language](https://taytaynijuan.me/catechism-and-native-language-taytay-rizal/): On Language, Culture, Catechism The pre-Hispanic “Filipino” literature was mainly oral rather than written. Augustinian historian Fray Gaspar de San Agustin wrote in his Conquistas de las Islas Filipinas, 1698: “They have their letters and characters… but never is any ancient writing found among them, nor word of their origin and arrival in these islands; their customs and rites being preserved by traditions handed down from father to son without any other record.” Only In the Spanish era Filipinos started to write on paper and kept records of their property and financial transactions. In 1601, Filipino Christians had little “notebooks” where they […] - [Tulay ng Taytayeño, tete ng Pampango](https://taytaynijuan.me/tulay-tete-taytay-rizal/):  (First Posted on 4 Sept. 2014 as “Taytay konek ka ba?“)   Ang Taytay ay mula sa salitang Aeta na “taitai” na ang kahulugan ay “tulay.” Sa Pampango, ang “tete” ay “tulay.” Sa paggamit ng Baybayin, ang sinaunang alpabetong Tagalog na gamit ang mga sulat-kudlit (characters) kaugnay ng bigkas-tunog (syllabary at diphthong) ay nagkakapareho ng pagsulat at pagbigkas ng salitang “taitai” at “tete.” TAYTAY-Maynila, may konek sa Pampanga dahil ang Tagalog at Pampango ay magkaugnay noong sinauna pa. Paano? Mula sa Kabisayaan ay sumulong pa-Hilaga sa Lucon (Luzon ngayon) ang pwersang Kastila sa pamumuno ng conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi. Kaagad nilang nasakop ang […] ## Pages - [Taytay Etimolohiya Book](https://taytaynijuan.me/taytay-etimolohiya-book/): Saan nga ba galing ang Taytay? Sagana sa kuwentong makulay ang bayang Taytay at ang salita o pangalang pinagmulan nito. Likas na katangian ng Historya at Etimolohiya ang pagtataglay ng yaman ng wikang katutubo, pamanang kultura, at natatanging historya. Naitatampok ang identidad ng Taytayeño bilang isang komunidad, pamayanan, at mamamayan. Ang kawalan ng kaalaman sa kaniyang pinagmulan, kasaysayan, at kultura ay natutulad sa isang puno na walang mga ugat. GET YOUR COPY HERE - [Videos](https://taytaynijuan.me/videos/): https://www.youtube.com/watch?v=GplOP19XxIshttps://www.youtube.com/watch?v=bx7tJTpBwgkhttps://www.youtube.com/watch?v=fMwXDBeslrMhttps://www.youtube.com/watch?v=oa8f1drTn-Y Check Out More Videos Here https://www.youtube.com/watch?v=66F66avQ_g8https://www.youtube.com/watch?v=uf8CAYVBkG4 Check Out More Videos Here - [Blogs](https://taytaynijuan.me/blogs/) - [About the Author](https://taytaynijuan.me/about-the-author/): Juan de Placencia, OFM Tatay ng Taytay ni Juan [history book] Reserve Now Taytay Ni Juan History | Culture | Heritage | Faith Home About the Author Home About the Author Jose “Ding” A. Fernandez Author: “Lakbay-Pananampalataya – Parokya ni San Juan Bautista – Taytay”.Blog site/s: “Taytay ni Juan”, “Lakbay Taytay”, and “Kislap-Pintig” Creator-Publisher: “lolaana88” YouTube Channele-Publisher-Editor: “Espiritu at Buhay” newslettere-Publisher-Editor: ARISE BulletinProLife couple-coordinator, St. John the Baptist Parish (SJBP)A leader: Basic Ecclesial Communities @ St. John the Baptist Parish (SJBP), TaytayHuman rights advocate Artist for BALAY Rehabilitation Center, Inc. Past: Art Director: Proprint, Philippine Agenda, Philippine News and Features (PNF);Lecturer: Center for Advocacy Communication Services […] - [Home](https://taytaynijuan.me/home/): Juan de Placencia, OFM Tatay ng Taytay ni Juan [history book] Reserve Now Taytay Ni Juan History | Culture | Heritage | Faith Home About the Author Blogs 500th year of Christianity in the Philippines [2021] https://youtu.be/oa8f1drTn-Y Recommended Videos https://youtu.be/bx7tJTpBwgkhttps://youtu.be/fMwXDBeslrMhttps://youtu.be/j6BrtBTGZAA History Books Taytay traces its faith journey from the Spanish era. The book is more than just a record of the past. It narrates the evangelizing mission of the Church. (CLICK to open the book) Our historic past is “kept secret” and “unknown” for centuries. It is hardly revealed in standard history textbooks nor taught in schools. Sadly, the town […] [comment]: # (Generated by Hostinger Tools Plugin)