May Taytay na, bago pa man dumating si Magellan
Limandaang taon na ang nakalipas.
Bago sumapit sa Filipinas ang ekspedisyong pinamunuan ni Ferdinand Magellan, natagpuan muna nila ang Isla Ladrones (Guam o Marianas). Nadaanan din ang kalapit na mga pulo ng Palau, at Carolinas sa malawak na Pacific Ocean.
Saka nila narating ang Homonhon (sa Guiuan, Eastern Samar) noong 16 Marso 1521. Ang natagpuang kalipunan ng mga pulo ay pinangalanang Las Islas de San Lazaro. Bisperas kasi noon ng sinaunang kapistahan ni San Lazaro ng Betania.1Naunang pinangalanang Las Islas de San Lazaro ang kapuluan. Pinalitan ito ni Ruy Lopez de Villalobos—ang kasunod ni Magellan na eksplorador—sa pangalang Las Islas Felipinas o “Filipinas” noong 1564, bilang parangal kay Haring Felipe II ng España. SAN LAZARO—kabilang sa mga Santo ng Simbahan. Siya’y tampok sa isang milagro ni Jesus nang muli siyang binuhay makalipas ang apat na araw ng kaniyang pagkamatay (Juan 11:1–44).
(Sa kasalukuyan, sa bayang Guiuan—nakasasakop sa Homonhon—ay may Barangay na pinangalanang TAYTAY at Baras.)
Araw ng Linggo ng Pagkabuhay, nang ipagdiwang noon ang unang Banal na Misa at Pagbibinyag sa baybay-dagat ng Mazaua (Limasawa) 2May istorya ng Limasawa ang sinulat ni Padre Francisco Combes noong 1667. Ang kaniyang mga dokumentong nasusulat sa Español ay isinalin ng mga historyador; May kontrobersiya hinggil sa eksaktong lokasyon ng Limasawa–kung ito’y matatagpuan sa Butuan o Leyte. Gayunman, ang aklat na ito’y wala sa posisyon para sa diskusyong ito. Cultura filipina vol. 3-4: Revista de Revistas. p.511 Collection: The United States and its Territories, 1870 – 1925: The Age of Imperialism noong 31 Marso 1521. Doon itinindig ang Krus, hudyat ng pagkakatatag ng Kristianismo sa Filipinas.
Sa okasyong iyo’y hinandugan ni Magellan si Reyna Humamay ng imahen ng Sto. Niño Jesus at bininyagan siya sa pangalang “Juana.” Ang imahen ng Ecce Homo3<Juan 19:5> (“Heto ang Tao”, ang nagdurusang Kristo), ang para naman kay Rajah Humabon na bininyagang “Carlos.”
Makalipas ang 27-araw ay nasawi si Magellan sa labanan sa Mattam (Mactan). Ang mga nalabing tauhan niya’y tumalilis palayo. Nagpatuloy sa misyong paglalakbay. Napadpad sa pulong kinaroroonan ng Taytay. Ang unang lugar na ito na may pangalang Taytay ay sakop ng Pulaoam 4Mula sa salitang Malayo ang “pulau”; kahulugan ay “pulo”. Maiuugnay rin ito sa “palau” ng lengguwaheng Palauan na ang kahulugan ay “village” o “komunidad.” (Palawan), sa dakong Silangan ng Kabisayaan. Ito ang kauna-unang Taytay na naitala sa historya ng bansa dahil sa chronicler ni Magellan na si Pigafetta.
Ang alpabetong Tagbanuwa ay malapit-na-kaugnay ng sinaunang Baybayin5Ang Baybayin ay sinaunang katutubong alpabeto na pangunahing ginagamit ng mga Tagalog; ito ay mga sulat-kudlit (scripts, characters) ng ating mga ninuno.
Ang Pulaoam ay “isang kaharian ng mga katutubong Tagbanuwa na pinamumunuan ng isang magarbong hari na palaging sinasamahan ng kaniyang sampung tagasulat (scribes). Ang dikta ng hari ay isinusulat sa mga dahon. Ang kanilang lengguwahe ay mayroong 18-pantig (syllables), 13-katinig (consonants), at 3-patinig (vowels).”6Mula sa talaan ni Antonio Pigafetta (1491-1534).
Sa kalaunan, nakatulong ang nasinop na tala-ulat (chronicle) ni Antonio Pigafetta7Ang dokumento ni Pigafetta ang naging susing-batayan ng mga impormayon tungkol sa napabantog na unang paglalakbay sa mundo. para sa translasyon ng katutubong wikang Cebuano. Ano pa nga ba’t ang naturang tala-ulat ang kinilalang unang dokumento sa ating historya tungkol sa wikang Cebuano.8Encyclopaedia Britannica. Written documents: 16th-18th Century—Ang mga pinakaunang dokumentong Europeo tungkol sa lengguwaheng Austronesia ay 2-maikling vocabulario na kinolekta ni Pigafetta. Noong ika-17 siglo ay tinipon ng mga Kastila sa Filipinas at Marianas/Guam ang maraming paglalarawan ng mga lengguwaheng Austronesia. Emma Helen Blair and James Alexander Robertson. The Philippine Islands, Vol. 33. Cleveland: Arthrur Clark Company, 1908. pp. 189-199
Si Pigafetta ay isang historyador, sinaunang surveyor, at cartographer o tagaguhit ng mapa. Siya ang opisyal na chronicler ni Magellan.
Ang kanilang ekspedisyon ang unang nakalibot sa mundo. Sa pamumuno ni Magellan, 240 silang nagsimula sa paglalakbay. Pero 18 na lamang silang nakasalba at nakabalik sa España noong 1522. Kasama sa pinalad na makabalik si Enrique na isang aliping Indio Malayo, ang kanilang interpreter ng ekspedisyon.
Nang masawi si Magellan ay humalili sa pamumuno si Juan Sebastian de Elcano. Narating nila ang mithiing Moluccas o Spice Island sa Indonesia. At nakabalik sila sa España makalipas ang isa’t kalahating taon.
Kalaunan, ang ikinamatay ni Elcano ay sakit na eskurbuto (scurvy) na resulta ng malnutrisyong dinanas sa mga hirap ng ekspedisyon sa Dagat Pacific Ocean.9Primo viaggio intorno al globo terraqueo, ossia ragguaglio della navigazione alle Indie Orientali per la via d’Occidente fatta dal cavaliere Antonio Pigafetta patrizio vicentino, sulla squadra del capitano Magaglianes negli anni 1519-1522;
Samantala, bumalik sa atin ang mga Kastila makalipas ang 22-taon. Dumating ang ekspedisyon ni Ruy López de Villalobos sa Leyte at Samar noong 2 Pebrero 1543; saka niya binigyan ng bagong pangalang Las Islas Filipinas o Filipinas ang ating kapuluan. Bilang parangal ito kay Haring Felipe II.
Filipinas ang ipinangalan ni Villalobos sa kapuluan kahit hindi pa nadidiskubre noon ang kalakhang Luzon. At sa Luzon—sa dako ng Laguna de Bay—ay katatagpuan din ng isa pang bayan ng Taytay na dating sakop ng kaharian ng Namayan sa Katagalugan.
-
-
- Naunang pinangalanang Las Islas de San Lazaro ang kapuluan. Pinalitan ito ni Ruy Lopez de Villalobos—ang kasunod ni Magellan na eksplorador—sa pangalang Las Islas Felipinas o “Filipinas” noong 1564, bilang parangal kay Haring Felipe II ng España.
SAN LAZARO—kabilang sa mga Santo ng Simbahan. Siya’y tampok sa isang milagro ni Jesus nang muli siyang binuhay makalipas ang apat na araw ng kaniyang pagkamatay (Juan 11:1–44). - May istorya ng Limasawa ang sinulat ni Padre Francisco Combes noong 1667. Ang kaniyang mga dokumentong nasusulat sa Español ay isinalin ng mga historyador;
<Miguel A. Bernad, SJ. The Great Island: Studies in the Exploration and Evangelization of Mindanao. Ateneo de Manila University Press. 2004.>
May kontrobersiya hinggil sa eksaktong lokasyon ng Limasawa–kung ito’y matatagpuan sa Butuan o Leyte. Gayunman, ang aklat na ito’y wala sa posisyon para sa diskusyong ito.
Cultura filipina vol. 3-4: Revista de Revistas. p.511
Collection: The United States and its Territories, 1870 – 1925: The Age of Imperialism - <Juan 19:5>
- Mula sa salitang Malayo ang “pulau”; kahulugan ay “pulo”. Maiuugnay rin ito sa “palau” ng lengguwaheng Palauan na ang kahulugan ay “village” o “komunidad.
- Mula sa talaan ni Antonio Pigafetta (1491-1534).
- Ang Baybayin ay sinaunang katutubong alpabeto na pangunahing ginagamit ng mga Tagalog; ito ay mga sulat-kudlit (scripts, characters)
- Ang dokumento ni Pigafetta ang naging susing-batayan ng mga impormayon tungkol sa napabantog na unang paglalakbay sa mundo.
- Encyclopaedia Britannica. Written documents: 16th-18th Century—Ang mga pinakaunang dokumentong Europeo tungkol sa lengguwaheng Austronesia ay 2-maikling vocabulario na kinolekta ni Pigafetta. Noong ika-17 siglo ay tinipon ng mga Kastila sa Filipinas at Marianas/Guam ang maraming paglalarawan ng mga lengguwaheng Austronesia.
Emma Helen Blair and James Alexander Robertson. The Philippine Islands, Vol. 33. Cleveland: Arthrur Clark Company, 1908. pp. 189-199 - Primo viaggio intorno al globo terraqueo, ossia ragguaglio della navigazione alle Indie Orientali per la via d’Occidente fatta dal cavaliere Antonio Pigafetta patrizio vicentino, sulla squadra del capitano Magaglianes negli anni 1519-1522;
Ang pinakakumpletong manuskrito nito at kaugnay ng orihinal ay natagpuan ni Carlo Amoretii sa Biblioteca Ambrosiana, Milan; inilathala noong 1800.
- Naunang pinangalanang Las Islas de San Lazaro ang kapuluan. Pinalitan ito ni Ruy Lopez de Villalobos—ang kasunod ni Magellan na eksplorador—sa pangalang Las Islas Felipinas o “Filipinas” noong 1564, bilang parangal kay Haring Felipe II ng España.
-