PILGRIMAGE

KUWARESMA. PILGRIMAGE. DAANG-KRUS. Nilakbay namin ng aking pamilya ang probinsiya ng Laguna noong Marso 27, 2018. Pinili namin ang ilan sa mga Simbahang itinatag ni Padre Juan de Plasencia, ang founder ng Simbahan at bayang Taytay. Kabilang din sa binisita namin ang ilang kalapit na Simbahang pinagmisyunan ng mga kasamahan niyang Franciscano. Lakbay, panata, at pag-alaala kay Padre Juan de Plasencia, … Read morePILGRIMAGE

Heto na’ng aklat ni Juan!

TATAY-ng-TAYTAY-ni-JUAN-Cover

Heto na ang aklat ng “Tatay ng Taytay ni Juan.” Ito ay rekognisyon kay Padre Juan Portocarrero de Plasencia bilang “Tatay“ o tagapagtatag ng bayan at Simbahan ng Taytay. Si Padre de Plasencia ay isang pinagpipitaganang misyonero ng Ordeng Franciscano (OFM). Banal na tagapagturo ng Pananampalataya. Bihasang manunulat at guro sa lengguwaheng Tagalog sa kaniyang kapanahunan. … Read moreHeto na’ng aklat ni Juan!

Liturhiya, Anunciacion at Cofradia sa Taytay

Anunciacion

Anunciacion sa Liturhiya—Totoong Marso 25 ang kapistahan ng Anunciacion. Pero magiging Abril 9 ang selebrasyon nito ngayong 2018. Bakit nagkaganu’n? Ang Anunciacion ay palagi at dati nang ipinagdiriwang tuwing Marso 25, eksaktong siyam na buwan bago ipanganak ang Panginoong JesuCristo sa araw ng Pasko. At ito ang nasa ating kalendaryong pang-Liturhiya. Ayon sa paggabay ng Santa Iglesia Katolika, … Read moreLiturhiya, Anunciacion at Cofradia sa Taytay

Aba po, Birheng Dolorosa!

Dolorosa-paint2

  NATAGPUAN ang imahen ng Birheng Dolorosa sa isang ilog sa Taytay. Noon, sa nasabing ilog ay may malaking tipak na bato na ginagamit na tuktukan ng babaing tagapaglaba ng isang mangangalakal na Tsino-Cantones na naninirahan sa lugar na iyon. Isang araw ay may kakaibang pangyayari sa ilog-labahan.  Sa tuwing humahataw ang palu-palo ng labandera … Read moreAba po, Birheng Dolorosa!

Nasa Vocabulario ang Taytay

Negritos-1

    “Tulay” ang kahulugan ng “taytay” para sa mga katutubong Aeta (Negrito) na naglalagalag noon sa mga burol ngTaytay (Rizal), San Mateo, Antipolo, at sa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre at Banahaw na nakapalibot sa dakong Silangan ng Laguna de Bay. [Tulay ng Taytayeño, tete ng Pampango] Nananatiling “taytay” ang kahulugan ng “tulay” sa aklat na Vocabulariong Tagalog na pinasimulan ni Padre Juan de … Read moreNasa Vocabulario ang Taytay

Kuwentong sementeryo

church-hill

Ay naku, dating sementeryo pala ang sinaunang bayan ng Taytay, Rizal. Ang Visita de Santa Ana de Sapa, ang unang pamayanan ng Taytay na itinatag ng mga Franciscanong frayle noong 1579. Lagi itong binabaha dahil nasa gilid ng Laguna de Bay. Si Padre Chirino ay naging kura paroko noong 1591. Maraming ulit niyang ipinanukala na ilipat ang simbahan at pamayanan … Read moreKuwentong sementeryo

Miguel de Talavera, ang misyonerong Totoy sa Taytay

Mabitac-Church-219x300

SIYA AY BININYAGAN sa pangalang “Salvador”; ang kahulugan niyon ay “tagapagligtas.” Isang paslit pa lamang nang siya at ang kaniyang mga magulang ay dumating sa Filipinas na kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Nagmula siya sa Nueva Granada sa North America (nasasakupan noon ng Kastila, ngayon ay Colombia, Ecuador, Panama, at Venezuela). … Read moreMiguel de Talavera, ang misyonerong Totoy sa Taytay

Anunciata at Cofradia sa historya

fil-am-ruins

Nasa dalawang buwan pa lamang ng pagsasanay sa Balayan (Batangas) si Padre Pedro Chirino, isang historian, noong 1591 nang hugutin siya para idestino sa Taytay at pamahalaan ito bilang unang mission station ng Ordeng Jesuita sa gawing-Silangan ng Laguna de Bay. Isinalin sa mga Jesuita ang Parokya ng San Juan Bautista mula sa nagtatag at naunang namahalang mga … Read moreAnunciata at Cofradia sa historya

Taytay legends and history

7729105

IN MANY places in the country, there usually appears a folktale, a legend so to speak, explaining the origin of the town and how it got its name. It is passed down from one generation to another manifesting the characteristics of the time and place from which it is told.  At times, legends may have elements of … Read moreTaytay legends and history

Simbahan sa Silangan

sjbp-altar

PANSININ n’yo ang karilagan at ganda ng Altar ng Simbahan ng Parokya ni San Juan Bautista sa Taytay. Wow na wow, ‘di ba? Maliban dito, lingid sa kamalayan ng karamihan ay may natatangi pa itong karingalan na mauugat mismo sa kasaysayan ng pagkakatatag ng ating Simbahan. May kinalaman ang oryentasyon ng istruktura at lokasyon nito … Read moreSimbahan sa Silangan

Enjoy this blog? Please spread the word :)