Payag ka bang 5 Barangay lang ang Taytay?

Loc-Govt-Code

Layon ng Local Government Code of 1991. Ang Barangay bilang batayang yunit pampulitika ay ang pangunahing tagabalangkas at tagapagpatupad ng mga patakaran, plano, programa, proyekto, at mga gawain ng gobyerno sa komunidad. Ang pamamahalang Barangay rin ang daluyan ng serbisyong pamayanan, salabayan ng kolektibong pananaw ng mga mamamayan, at dito inaayos ang mga alitan at hidwaang … Read morePayag ka bang 5 Barangay lang ang Taytay?

Isidro, ang Santo at Barangay

ssn-isidro

(First posted 28 April 2017)     NOONG 1998 ay may lumang Regal sewing machine na de-padyak ang nakatambak lang sa isang sulok ng aming bahay. Ipinakumpuni ito ng misis ko sa tatay ng isang batang nag-aaral sa Rural Improvement Clubs Children’s Center (RIC-CC-Brgy. San Isidro) na nasa aming likuran sa tabi ng Sapang Maningning. Ako ang nag-asikaso habang ito’y … Read moreIsidro, ang Santo at Barangay

Heto na’ng aklat ni Juan!

TATAY-ng-TAYTAY-ni-JUAN-Cover

Heto na ang aklat ng “Tatay ng Taytay ni Juan.” Ito ay rekognisyon kay Padre Juan Portocarrero de Plasencia bilang “Tatay“ o tagapagtatag ng bayan at Simbahan ng Taytay. Si Padre de Plasencia ay isang pinagpipitaganang misyonero ng Ordeng Franciscano (OFM). Banal na tagapagturo ng Pananampalataya. Bihasang manunulat at guro sa lengguwaheng Tagalog sa kaniyang kapanahunan. … Read moreHeto na’ng aklat ni Juan!

Liturhiya, Anunciacion at Cofradia sa Taytay

Anunciacion

Anunciacion sa Liturhiya—Totoong Marso 25 ang kapistahan ng Anunciacion. Pero magiging Abril 9 ang selebrasyon nito ngayong 2018. Bakit nagkaganu’n? Ang Anunciacion ay palagi at dati nang ipinagdiriwang tuwing Marso 25, eksaktong siyam na buwan bago ipanganak ang Panginoong JesuCristo sa araw ng Pasko. At ito ang nasa ating kalendaryong pang-Liturhiya. Ayon sa paggabay ng Santa Iglesia Katolika, … Read moreLiturhiya, Anunciacion at Cofradia sa Taytay

Candelaria at ProLIFE

Simeon-w-Christ-Child

  Pahayag ng ProLIFE, Family and Life Apostolate — St. John the Baptist Parish (Taytay, Rizal) sa Feb. 2 launching ng ProLIFE month 2018     PEBRERO 2 ang pagdiriwang ng Candelaria. Ito ang Presentasyon ng Sanggol na si JESUS sa Altar ng templo ng Jerusalem. Si JESUS—ang BUHAY—ay isang signos na alay para sa kaligtasan … Read moreCandelaria at ProLIFE

Maria, Birheng Dolorosa

dolores-orig

ANG TRADISYONG Katoliko ay may tatlong karaniwang paglalarawan sa nagdurusang Birheng Maria na Ina ng Diyos—ang Stabat Mater, Pieta at Mater Dolorosa. Sa Stabat Mater (nakatayong Ina), naroon si Maria sa paanan ng Krus, sa gawing kanan ng katawan ng Panginoong Jesukristo na nakabayubay sa Krus. Si Juan Ebanghelista naman ay sa gawing kaliwa. Dito’y itinatanghal ang Birheng Maria bilang mistikong sagisag … Read moreMaria, Birheng Dolorosa

Aba po, Birheng Dolorosa!

Dolorosa-paint2

  NATAGPUAN ang imahen ng Birheng Dolorosa sa isang ilog sa Taytay. Noon, sa nasabing ilog ay may malaking tipak na bato na ginagamit na tuktukan ng babaing tagapaglaba ng isang mangangalakal na Tsino-Cantones na naninirahan sa lugar na iyon. Isang araw ay may kakaibang pangyayari sa ilog-labahan.  Sa tuwing humahataw ang palu-palo ng labandera … Read moreAba po, Birheng Dolorosa!

Nasa Taytay si Kuya Pedro

calungsod

NAPAKAPALAD ng Taytay! Si SAN PEDRO CALUNGSOD ay minsang namalagi dito. Si Pedro Calungsod ang ikalawang Pilipinong naging Santo. Sumunod siya kay San Lorenzo Ruiz. Ang larawan nilang dalawa ay nakatanghal ngayon sa stained glass sa magkabilang gilid ng Main Altar ng Parokya — si Kuya Pedro sa kaliwa, si San Lorenzo naman sa kanan. Sa gawing kaliwa ng … Read moreNasa Taytay si Kuya Pedro

Salve Regina–aba po, Santa Mariang hari

Our Lady of Guadalupe

  DAHIL hindi ako nakakaintindi ng wikang Latin, ang akala ko noo’y isang awit lamang ang “Salve Regina”. Nang lumaon ay napag-alaman ko na ito pala ‘yung “Hail Holy Queen” o “Aba po Santa Mariang Hari” na dinarasal natin sa pagtatapos ng Santo Rosario. Tulad ng salitang “ginoo” sa “Aba ginoong Maria,” nagtaka rin ako noong umpisa … Read moreSalve Regina–aba po, Santa Mariang hari

Aba, ginoo ang Mariang Ina?

Aba-ginoo-Prayer

  GINOO? Ba’t nagkaganu’n ang translation sa Tagalog ng “Ave Maria” o “Hail Mary”? Una kong narinig sa programa ng DWXI radio ang ganitong tanong noong 1988. Kaso, hindi ako kumbinsido sa naging sagot ng guest speaker na isang high profile na Obispo. Natuwa ako nang kalauna’y natuklasan ko na ang kasagutan pala ay makukuha kay Padre Juan Portocarrero de Placencia, ang … Read moreAba, ginoo ang Mariang Ina?

Enjoy this blog? Please spread the word :)