Taytay ni Juan

READY! Sigaw ni Juan Bautista.

Isinugo ng Diyos si Juan Bautista, ang tinig sa ilang na sumisigaw ng pagbabalik-loob bilang paghahanda at pagtutuwid sa daraanan ng ating Panginoon. Si Juan ang nagpatunay tungkol sa Liwanag, ang Panginoong Tagapagligtas, upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan Niya (Juan 1:6-7).

“Juan”—sa wikang Hebreo at tradisyong Kristiano—ang ibig sabihin ng ngalang ito’y “pinagpala ng Diyos.”

Sadyang pinagpala ng Diyos ang Taytay (Rizal). Ibinigay Niya sa atin ang isang Juan de Plasencia na nagpundar at naghanda ng ating pamayanan at Simbahan ng Diyos. Ipinagkaloob din Niya sa atin ang isang maluwalhating Juan Bautista bilang ating natatanging Santong Patron.

Si San Juan Bautista ang nagbautismo sa pamamagitan ng tubig. Binautismuhan niya sa tubig maging ang Panginoon, ang tinuran niyang “Kordero ng Diyos na nagpapawi ng kasalanan ng mundo.” Pinatunayan ni Juan na “nakita niya ang Espiritu na bumaba mula sa langit gaya ng isang kalapati at namalagi sa Kaniya… Siya ang magbibinyag sa Espiritu Santo… Siya nga ang hinirang ng Diyos” (Juan 31-34). “Hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng Kaniyang panyapak,” ang sabi pa ni Juan (Juan 1:26-27, 29)

Ang St. John the Baptist Parish ng Quiapo, ang “pinaghugutang-tadyang” ng parokya ng Taytay, ay mas kilala bilang Dambana ng Poong Nazareno. Humihikayat si Juan Bautista ng milyun-milyong deboto ng Black Nazarene na kabilang sa kanila ay mula sa parokya ng Taytay (Rizal)—ang mga hijos de Nazareno. Sa parokya ng siyudad ng San Juan, Metro Manila, ay dagsa rin ang mga deboto ng Santo Cristo (Kristong Nakapako sa Krus). Ang St. John the Baptist Parish ng Taytay ay higit na kilala naman sa “Amba” (Santo Entierro). 

Sa gayon, natutupad ang salita ni Juan Bautista“Dapat Siyang humigit at ako naman ay lumiit” (Juan 3:30). 

436th founding anniversary of Taytay town and St. John the Baptist Parish (24 June 2015)

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *