He aqui la Virgen Maria:
Sientes la dulce armonia
Que se oye entre cantos mil?
O si amigo! La percibo,
La miro tambien venir…
Oh, que secreta alegria
Yo siento dentro de mi!
Unamos a nuestros acentos
En este dia feliz,
Saludemos a la Virgen.
–Jose P. Rizal
***********
Here comes the Virgin Mary…
Oh, don’t you feel the sweet concord
That rises from the throng
As they lift their voices sing?
Ah, yes, my friend!
Indeed I feel it.
Now I am seeing
The Holy Virgin of Peace…
(Translated by Nick Joaquin)
|
|
Natapos ang himagsikan laban sa mga Kastila. Sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas. Sa bisa ng Batas Blg. 137 ng First Philippine Commission, nilikha ang probinsiyang Rizal na kinabibilangan ng Taytay at ipinangalan ito sa ating pambansang bayaning si Jose P. Rizal noong 1901.
Nang lumaon sa kaniyang buhay, si Jose ay naglakbay nang palayo maging
Ang provincia ng Rizal ay binuo ng mga 26 na municipalidad, 14 mula sa lumang provincia ng Maynila (Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Mandaluyong, San Juan, Navotas, Muntinlupa, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, San Mateo, at Montalban); at 12 mula sa Distrito Politico-Militar de Morong, (Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Tanay, Teresa at Taytay). Ang luklukan ng Provincial Government ay nasa Pasig.
Si Jose Rizal at ang kaniyang inang si Doña Teodora Alonso ay tubong provincia ng La Laguna. Kapwa sila deboto ng Birhen ng Antipolo, ang Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje (Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay). Si Rizal ay ipinamintuho ng kaniyang ina sa Birhen ng Antipolo sapul pa noong nasa sinapupunan pa lamang siya. Nalampasan ng kaniyang ina ang labis na hirap sa panganganak, bagama’t isinilang si Rizal na mahina ang katawan.
Noong Hunyo 6, 1868, ang mag-amang Francisco Mercado Rizal at ang batang si Pepe ay kabilang sa mga debotong manlalakbay. Mula sa La Laguna ay naglakbay sila sa kalupaan hanggang sa patawid sa Ilog Pasig. Sila’y dumadaan sa Cainta at Taytay. Bitbit ng hamaka si Pepe nang umahon silang mag-ama pakyat ng Antipolo upang tupdin ang panata at pangakong pagdalaw sa Mahal na Birhen.
“Ito’y bilang pasasalamat dahil ginagabayan ka ng mahabaging Ina hanggang sa matutunan mo ang lahat-lahat… ang lahat ng kaalaman mo’y dahil sa dami ng dinasal mong Rosaryo. Huwag sana nating malimutan ito…” ang masuyong pangaral ni Doña Teodora sa bunsong anak.
Si Rizal ay sumulat ng isang zarzuela (dula-awit) na pinamagatang Junto al Pasig (Sa Gilid ng Pasig). Napakahusay ng pagkakasulat niyon sa wikang Español. Itinuturing ng mga kritiko sa literatura na iyon ay isang obra maestra ng batang si Rizal. Katatapos pa lamang ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila at nag-aaral na siya sa La Real y Pontifica Universidad de Santo Tomas de Aquino (University of Sto. Tomas) nang isulat niya ang naturang katha.
Ang piyesang ito’y isinadula sa Ateneo noong Disyembre 8, 1880, araw ng kapistahan ng Inmaculada Concepcion. Sa naturang katha’y itinampok ang “nag-uumapaw na galak ng kalooban ng mga taong nais sumaliw sa awit ng koro, at pagdaka’y sama-samang magpugay sa Banal na Birhen ng Kapayapaan.”
Sa nasabing dula-awit ay mapangahas na hinahamon ni Rizal ang mga Kristiano. Malikhaing inilarawan niya sa pangitain si “Satanas na nagpanggap na isang ‘diwata’ na may layuning manlinlang at manukso. Samantala, ang Birheng Maria naman ang Babaeng mahigpit na katunggali ni Satanas.”
Ikumpara ang temang ito sa Chapter 12 Revelations ng Biblia. Mapagninilay na ang rurok ng mensahe ng zarzuela ni Rizal ay nag-uumigting sa paglalatag “kung sino sa kanilang dalawa, si Satanas ba o ang Birheng Maria, ang dapat nating panaligan at piliin.”
Huling sulat-kamay, pamamaalam ni Rizal: “Adios, Patria adorada…”
|
Sa Noli me Tangere at El Filibusterismo ay binatikos ni Rizal ang mga di-umano’y “pang-aabuso ng mga prayle” na isinalarawan ng kathang-isip na mga tauhan gaya ng isang “Padre Damaso.”
|
Nang lumaon sa kaniyang buhay, si Jose ay naglakbay nang palayo maging sa kaniyang sinisintang bayan. “Lumayo” rin siya maging sa Simbahan at sa debosyon at pagsambang kinamulatan niya sa panahon ng kaniyang kabataan.
Sa edad na tatlumpu’t lima ay isinulat ni Rizal ang madamdaming Mi ultimo adios (Huling paalam). At siya’y nag-alay ng buhay para sa Inang Bayan.
Sa huling araw niya’y nagbalik-loob siya sa pananampalataya. Nangumpisal siya, nakapagdiwang ng Banal na Misa at nakapag-Rosaryo sa loob ng bilangguan ng Fort Santiago, Intramuros. Sa huling pagkakataon, humarap siya sa firing squad na muling suot ang kaniyang medalyon ng Birheng Maria na matagal niyang winaglit. Sa kaniyang pamamaalam ay hawak niyang muli ang Rosaryo hanggang sa huling paghigit ng hininga.
Sa aming paglalakbay-buhay sa mundong ibabaw, oh, Ave Maria, ipanalangin mo po kami… ngayon at kung kami’y mamamatay, Amen!
First Posted @ Lakbay-Taytay 5 Sept. 2014; Current post edited