Taytay ni Juan

ROSARIO CANTADA—VIRGEN DIVINO (Parte 1)

Nitong nakaraang Oktubre 2 ay nakadalo ako sa isang Rosario Cantada, na nasa ikawalong araw ng pagsisiyam sa karangalan ni San Francisco de Asis na ang pista ay sa Oktubre 4. Taimtim itong pinangunahan ng Samahang Viva San Francisco. Nilahukan ito ng Samahang Semana Santa, at Cofradia dela Nuestra Señora de Anunciata (1878), ang pinakamatandang samahang relihiyoso sa Taytay na umiiral pa hanggang sa kasalukuyan. 

Ipinanganak ako sa Maynila. Batang paslit pa lamang ako nang una kong marinig ang awiting Virgen Divino Sagrario. Minsan ko na ring narinig ito sa Ilocos Norte noong dekada ‘60. Ang tumimo sa aking memorya ay ang himig ng unang linya nito. Matimyas kasi ang awiting ito na dinalit sa wikang Latin.

Virgen Divino
Divino Sagrario
Virgen Divino
Divino Sagrario,
Sagrario
Vuestras Glorias
Vuestras Glorias Cantaremos
Vuestras Glorias
Vuestras Glorias
Vuestras Glorias Cantaremos
Y en Ellos Contemplaremos
Los Misterios del Rosario
Del Rosario.

Maliban sa dasal na pabigkas ay maaaring awitin ang mga dasal ng Santo Rosario. Kaipala’y maaari rin itong dasalin sa naiibang paraan. Ganito ang naging tradisyon ng Rosario Cantada na nagsimula noong mga huling taon ng 1890s, panahon ng Kastila. 

Ang mismong Virgen Divino ay isang maikling awit-dasal sa Birheng Maria. Sa pagro-Rosario Cantada ay may pag-awit sa bawat panimula ng 5-misteryo. Ang Virgen Divino ay karaniwang inaawit sa unang misteryo bilang tampok na bahagi. Ang makasaysayang sariling likhang-awit ng Samahang Sto. Niño gaya ng Apat na Barrio ng Taytay (Dolores, San Juan, San Isidro, at Sta. Ana) ay isinasama sa Cantada.

Sa saliw ng tugtog ng banda-musiko, gitarero, pag-awit ng choir o ng natitipong mga magdadasal, ang Rosario Cantada ay karaniwang ginagawa sa panahon ng Kuwaresma, Semana Santa, okasyong parangal sa Birheng Maria, at sa kaarawang pista ng mga Santong patron. Sa San Juan Gym ng Taytay ay naging isa sa tampok na kaganapan ang Rosario Cantada sa programa ng 2023 Marian Exhibit na tinituluhan nilang “Magnificat.”  

Tulad ng Cofradia dela Anunciata at Samahang Semana Santa, ang Samahan ng Sto Niño de la Pasion na itinatag noong Pebrero 6, 1949 ay patuloy rin sa pagro-Rosario Cantada sa mga natatanging okasyon at pagdedebosyon. Gumaganap rin sila bago mag-Pasko, Enero 1 na siyang unang nakamulatang sinaunang kapistahan ng Sto Niño.

Dahil taal na Taytayeña ang aking napangasawa, ako’y pirming nanirahan sa Taytay mula nang ikasal kami noong Disyembre 8, 1979, pista ng Inmaculada Concepcion. Pero, kamakailan ko lamang napagtuunan ng pansin na mayroon pang nagsasagawa ng Rosario Cantada dito sa Taytay. 

Sa kabilang dako, ang sinaunang tradisyon ng Rosario Cantada ay matutunghayan pa rin sa ilang mga lugar ng Katagalugan gaya sa Bulakan, Batangas, Laguna, Quezon, at Rizal. Sa probinsiya ng Rizal, ang Taytay ay isa, kundi man siyang pinakamasugid na yata, sa patuloy na pagdedebosyon at pagro-Rosario Cantada

May 2 bersyong Virgen Divino (1 at 2) ang samahang Cofradia dela Annunciata sa Taytay. Inaawit nila ito sa panimula ng una at ikalawang misteryo ng Santo Rosario. Ang lokal na bersyong ito ay naiiba ang tono kaysa doon sa una kong nawarian. Nag-iisa lamang ang tono nitong 2 bersyon na masuyong inaawit ng mga mananampalataya sa bayan ng Taytay, sa pangunguna ng mga deboto.

Ang pag-awit ng Virgen Divino ay may habang 2 hanggang 3-minuto. Ang finale naman na pinakamahabang bahagi ng Rosario Cantada. Ito’y ang Letania Ala Virgen (Litanya ng Birheng Maria) na umaabot nang 10-minuto. Ang Letania ay tinatawag ding Kyrie, eleison (Panginoon, maawa ka).

LITANYA

Kyrie, eleison.
Christe, eleison.
Christe, audi nos.
Christe, exaudi nos.
Pater de coelis, Deus.
Miserere nobis.
Fili, Redemptor mundi Deus.
Miserere nobis.
Spiritus Sancte Deus.
Miserere nobis.
Sancta Maria.
Sancta Dei Genetrix.
Sancta Virgo Virginum.
Ora pro nobis.
Mater Christi.
Mater divinae gratiae.
Mater purissima.
Ora pro nobis.
Mater castissima.
Ora pro nobis.
Mater inviolate.
Mater intemerata.
Mater immaculate.
Ora pro nobis.
Mater amabilis.
Mater admirabilis.
Mater Creatoris.
Ora pro nobis.
Mater Salvatoris.
Ora pro nobis.
Virgo prudentissima.
Virgo veneranda.
Virgo praedicanda.
Ora pro nobis.
Virgo potens.
Virgo Clemens.
Virgo fidelis.
Ora pro nobis.
Speculum iustitiae.
Ora pro nobis.
Sedes sapientiae.
Causa nostrae laetitiae.
Vas spirituale.
Ora pro nobis.
Vas honorabile.
Vas insugne devotionis.
Rosa mystica.
Ora pro nobis.
Turris Davidica.
Ora pro nobis.
Turris eburnean.
Damus aurea.
Foederis arca.
Ora pro nobis.
Ianua coeli.
Stella matutina.
Salus infirmorum.
Ora pro nobis.
Refugium peccatorum.
Ora pro nobis.
Consolatrix afflictorum.
Auxilium Christianorum.
Regina Angelorum.
Ora pro nobis.
Regina Patriarcharum.
Regina Prophetarum.
Regina Apostolorum.
Ora pro nobis.
Regina Martyrum.
Ora pro nobis.
Regina Confessorum
Regina Virginum.
Regina Sanctorum omnium.
Ora pro nobis.
Regina sine labe originali concept.
Regina pacis.
Ora pro nobis.
Agnus Dei, qui tollis paccata mundi,
Parce nobis,
Parce nobis, Domine.
Agnus Dei, qui tollis
Paccata mundi

Esaudi nos, Domine.
Agnus Dei, qui tollis
Paccata mundi, Miserere,
Miserere nobis.

Lahat ng kantang Latin ng Samahang Sto Niño ay isinalin sa Tagalog, dahil sa di-umano’y inspirasyon ng Mahal na Sto. Niño. Kabilang sa mga ito ang dakilang awit na No mas amor que el tuyo (“Walang nang hihigit pa sa Iyong Pag-ibig”; patungkol ito sa Sacred Heart) na isinalin noong dekada ’80. Magkaiba ang bersyon ng Samahang Sto. Niño at ng Simbahan bagamat pareho ang kanilang tono. Ang bersyon ng Cofradia ay nanatiling nasa-Latin pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *