Taytay ni Juan

Si Padre Juan de Plasencia, OFM unang dumating sa Filipinas para mag-organisa ng mga bayan-bayan at Simbahan, kabilang ang Taytay.
Si Padre Domingo de Salazar naging unang Obispo ng buong kapuluan.

PEBRERO noon. May ilang saysay ang nawaglit. O marahil ay hindi napansin ang halaga.

BILANG ESTADO. Itinatag ang MAYNILA. Ito ang ginawang ciudad-cabicera at luklukan ng pamahalaang Kastila noong 1571. Idineklara bilang “Marangal at Matapat na Lungsod” (“Ciudad Insigne y Siempre Leal”, o “Distinguished and Ever Loyal City”) noong 1574.

         Iyon din ang opisyal na proklamasyon ng FILIPINAS. Tinawag itong LAS ISLAS FILIPINAS.

BILANG SIMBAHAN. Pebrero 6, 1579—Ang FILIPINAS ay napailalim sa Diosesis ng NUEVO MEXICO. Naging nagsasariling Diosesis ang Filipinas at itinalaga si PADRE DOMINGO de SALAZAR, isang Dominikano, bilang unang Obispo.

         Kapanahunan ito nina PADRE JUAN de PLASENCIA (1578-1590), ang mabunying Franciscanong founder ng mga bayang TAYTAY, ANTIPOLO, MORONG, at mga bayan-bayan sa mga probinsiya ng LA LAGUNA, TAYABAS (Quezon), at ilang lugar sa BULACAN.

         Samantala, Ang mga nagsasariling bayan ngayon ng PILILLA (”munting Pila”), TANAY, BARAS, at BINANGONAN ay dating mga komunidad na kabilang sa napakalawak na unang bayan ng MORONG na naitatag ni Padre de Plasencia.

         Si PADRE PEDRO CHIRINO ang naging unang Kura Parokong Jesuita ng TAYTAY (1591) kasunod ng mga Franciscano. Ang humalili sa kaniya na si PADRE MARTIN ENRIQUEZ ang unang misyonerong nasawi at inilibing sa TAYTAY noong Pebreo 5, 1593. Malaria ang kaniyang ikinasawi sanhi na nagmumula sa mga matubig at bahaing tabing-lawa at mga ilog.

MALUPIT NA DIGMAAN. Pebrero 4, 1899—Naganap sa Tulay ng SAN JUAN (Metro Manila) ang unang putok mula sa mga tropang Amerikano. Sumiklab ang Digmaang Filipino-Amerikano hanggang 1902, at kumitil ito ng buhay ng mga 4,200 mananalakay na Americano at 20,000 Filipinong makabayang republikano.

         Sa pangkalahatan, 200,000 sibilyan ang namatay dahil sa karahasan, gutom, at pagkakasakit. Sa isang insidente lamang, may 1,000 sibilyang bata’t matanda ang minasaker, at sinunog ang buong kabayanan ng TAYTAY sa pambobomba ng mga tropang Kano noong Marso 19, 1899.


 Naitala na sa Tulay ng San Juan ang “unang putok ng Fil-Am War. Gayunman, may kalaunang saliksik na nagsasabing nagsimula ito sa panulukan ng mga kalyeng Sociego at Silencio sa Santa Mesanoong Pebrero 4. Kaya ang bakbakan sa San Juan ay sinasabing naganap kinabukasan, Pebrero 5.”

         Sa kabilang dako, ang orihinal na makasaysayang tulay ay tuluyang giniba dahil sa “development” noong 2018 para sa konstruksyon ng isang bahagi ng Metro Manila Skyway noong 2018. Ni-reconstruct na lamang ito noong 2020. Heritage dapat yung tulay, kaso, hindi na siya orihinal na istruktura (bilang tangible cultural property). Yung pangkasaysayan alaala (bilang intangible cultural property) na lamang ang pilit na pinapanatili ngayon.

         Mananatili ang San Juan na tampok sa diwa’t gunita ng mga Pilipino mula pa noong pagkakatatag ng mga unang bayan, himagsikan laban sa Kastila, at digmaan laban sa pananakop ng Kano.

 

1 thought on “Bahagi ng Historya sa Pebrero

  1. Kim Pascual says:

    Thank u for sharing this very important historical facts

    Blessings

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *