
Pebrero noon. May ilang saysay ang nawaglit. O marahil ay hindi napansin ang halaga.
BILANG ESTADO. Itinatag ang MAYNILA. Ito ang ginawang ciudad-cabicera at luklukan ng pamahalaang Kastila noong 1571. Idineklara bilang “Marangal at Matapat na Lungsod” (“Ciudad Insigne y Siempre Leal”, o “Distinguished and Ever Loyal City”) noong 1574.
Iyon din ang opisyal na proklamasyon ng FILIPINAS. Tinawag itong LAS ISLAS FILIPINAS.
BILANG SIMBAHAN. Pebrero 6, 1579—Ang FILIPINAS ay napailalim sa Diosesis ng NUEVO MEXICO. Naging nagsasariling Diosesis ang Filipinas at itinalaga si PADRE DOMINGO de SALAZAR, isang Dominikano, bilang unang Obispo.

Kapanahunan ito nina PADRE JUAN de PLASENCIA (1578-1590), ang mabunying Franciscanong founder ng mga bayang TAYTAY, ANTIPOLO, MORONG, at mga bayan-bayan sa mga probinsiya ng LA LAGUNA, TAYABAS (Quezon), at ilang lugar sa BULACAN.
Samantala, Ang mga nagsasariling bayan ngayon ng PILILLA (”maliit na Pila”), TANAY, BARAS, at BINANGONAN ay dating mga komunidad na kabilang sa napakalawak na unang bayan ng MORONG na naitatag ni Padre de Plasencia.
Si PADRE PEDRO CHIRINO ang naging unang Kura Parokong Jesuita ng TAYTAY (1591) kasunod ng mga Franciscano. Ang humalili sa kaniya na si PADRE MARTIN ENRIQUEZ ang unang misyonerong nasawi at inilibing sa TAYTAY noong Pebreo 5, 1593. Malaria ang sanhi na nagmumula sa mga matubig at bahaing tabing-lawa at mga ilog.
MALUPIT NA DIGMAAN. Pebrero 4, 1899 – Naganap sa Tulay ng SAN JUAN (Metro Manila) ang unang putok mula sa mga tropang Amerikano. Sumiklab ang Digmaang Filipino-Amerikano hanggang 1902, at kumitil ito ng buhay ng mga 4,200 mananalakay na Americano at 20,000 Filipinong makabayang republikano.

Sa pangkalahatan, 200,000 sibilyan ang namatay dahil sa karahasan, gutom, at pagkakasakit. May 1,000 sibilyang bata’t matanda ang minasaker, at sinunog ang buong kabayanan ng TAYTAY sa pambobomba ng mga tropang Kano.
Naitala na sa Tulay ng San Juan ang “unang putok ng Fil-Am War. Gayunman, may kalaunang saliksik na nagsasabing nagsimula ito sa “corner ng Sociego at Silencio Streets sa Santa Mesa“.noong Pebrero 4. Ang bakbakan naman sa San Juan ay “Pebrero 5.”
Sa kabilang dako, ang orihinal na makasaysayang tulay ay tuluyang giniba noong 2018 para sa konstruksyon ng isang bahagi ng Metro Manila Skyway noong 2018. Ni-reconstruct na lamang ito noong 2020. Heritage dapat yung tulay, kaso, hindi na siya orihinal na istruktura (bilang tangible cultural property). Yung pangkasaysayan alaala (bilang intangible cultural property) na lamang ang napanatili.
Mananatili ang San Juan na tampok sa diwa’t gunita ng mga Pilipino mula pa noong pagtatatag ng mga unang bayan, himagsikan laban sa Kastila, at digmaan laban sa pananakop ng Kano.
Thank u for sharing this very important historical facts
Blessings